Flashback
Kasalukuyan akong nagtatago sa CR ng locker room ng basketball varsities dahil may ilalagay sana 'ko sa locker ni Xander nang bigla silang dumating.
"Pre kilala mo na ba kung sino yung naglalagay ng love letter sa locker mo?" dinig kong tanong ng teammate ni Xander.
"Hindi nga pre eh. Nakikipagmeet nga ako parang ayaw naman."
"Baka naman pangit." tawa nito.
"Hindi naman siguro, ang sweet nga ng messages nya eh. Palagay ko maganda yon."
Wahh. Gusto ko ng lumabas sa pinagtataguan ko para umamin. Ako yon Xander my love. That's me, only me, Macqueen.
Lalabas na sana 'ko nang magsalita si Xander,
"Pero siryoso pare, pag nalaman kong pangit yon uupakan ko talaga yon."
Wahhh, aray ko po. Nasamid ako sa narinig ko. Buti nalang nakapagtago ako. Ang yabang mo talaga Xander. Kung di lang kita crush naku..
"Oh sige pare, mauna na 'ko sa'yo." paalam ng teammate nya.
"Sige pre, magsha-shower muna 'ko."
OMG, magsha-shower si Xander? WaAhhh. Ang linis talaga ng my love ko. Pero teka, maliligo siya? So ibig sabihin, pupunta siya sa banyo? Eh nasaan ba 'ko? OMG, ano na ang gagawin ko?
Dali-dali akong humanap ng tataguan. Ayun, may drum. Buti nalang malaki ang banyo at di niya ko mapapansin.
Naririnig ko na ang yabag ng paa ni Xander. Mabilis akong nagtago. Palapit na si siya. Shocking, nakatuwalya lang si Xander my love.
Pinilit kong magtago. Pumikit ako para di ko siya makita. Bumukas ang shower. Naliligo na siya. Wahhh. Pinigilan ko ang sarili kong wag dumilat. Nirecite ko ang Ave Maria ng tatlong beses. Ay hindi, limang beses.
Gusto kong sumilip. One time lang. Ave Maria napupuno ka ng gracia. Pinigilan ko ang sarili kong wag sumilip. Oh my, 1....2....3.....
"WaaAahhhhhhhh!!!" napasigaw ako sa nakita ko.
"WaaaAhhh!!! Impakta!!!" sigaw naman ni Xander.
Mabilis akong tumakbo papunta sa pinto pero nahuli ako ni Xander. Todo takip siya ng tuwalya sa tinatago niya.
"Oh no. Hindi ko na keri 'to." bulong ko sa sarili. Nakita ko namang nanlilisik ang mata ni Xander. Kumakawala ako pero ayaw niya kong bitawan.
Hinila ko ang tuwalya niya kaya napabitiw siya sakin. Tawa 'ko ng tawa habang tumatakbo 'kong palabas ng locker room.
"Huli ka." sabi ni Xander pagkahawak sa kamay ko. Hindi ko alam na sinundan pala niya 'ko..
"Ang lakas ng loob mong manilip ha." malakas niyang sabi na umagaw sa atensyon ng mga dumadaan. Tila nalimutan niyang nakabalot lang siya ng tuwalya nung mga oras na yon. Halos balutin naman kaming dalawa ng hiya dahil sa bulungan ng mga estudyanteng naroon.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Yabang
HumorRomantic comedy na tungkol sa isang high school loser who turned into goddess. She will do everything para pagbayarin ang mga may atraso sa kanya during high school days. Specially, Xander, the man of her old fantasy.