Part 11 - You Heard it Right, Macqueen

2.5K 47 4
                                    

Nagising nalang ako na nasa clinic na 'ko ng school.

"Beszy anong nangyari? Hinimatay ka daw sabi ni Xander. Grabe, alalang-alala yung lolo mo." si Eric.

Ha? Ako? Hinimatay? Bakit nga ba?

"Macqueen, be my girlfriend." umeecho pa rin sa pandinig ko. Shocks, totoo ba yon?

"Beszy ang bongga mo. Binuhat ka ni Papa Xander papunta dito. Waaahhh kilig much. Ang macho talaga. Akalain mong nakaya ka niyang buhatin yung chorba mo na yan."

Waahhh.. Ba't di ko man lang naramdaman? Ang tanga mo talaga Macqueen. Bakit non ka pa hinimatay?

"Nasaan si Xander?"

"Nagpaalam na. May laban kasi sila sa gym."

Dali-dali akong nagpunta sa gym. Wow, ang daming tao. Kasalukuyan silang nagwawater break.

"Hoy Xander, ano nga yung sinabi mo sa'kin kanina?" pagsugod ko kunwari ay galit na galit.

Lumapit siya sakin at bumulong.

"Be my girlfriend."

Pagkarinig ko non ay kunwaring hinimatay uli ako. Waahh. Sana buhatin uli ako ni Xander my love. Nakapikit ako, half sight. Galingan mo pa ang pagdrama Macqueen.

"Pag di ka tumayo dyan babatukan kita."

Tawa much, nakahalata pala niya.

"Eto na nga oh tatayo na...echoserong 'to."

"Ano payag ka na ba?"

"Ha? Siryoso ka?"

"Kung ayaw mo, eh di wag." Oh shocks, kumindat pa siya.

"Yes Xander.. Yes na yes.." walang kimi kong sagot.

Waaahh. I'm so happy. OMG. Tatatanggi pa ba 'ko eh chance ko na 'to. Napayakap ako kay Xander dahil sa tuwa.

"Boooooo... Boooo..."

Teka, bakit nagbubooo yung mga tao? Ano ba yung ginawa ko? Oh shocks, my first hug..

Inakbayan ako ni Xander sa harap ng maraming tao. Naglakad pa kami sa harap nila ng magkahawak kamay. Dumiretso kami sa locker room nila. Sinara niya ang pinto. Isinandal niya ko sa pader. Pumikit ako. Reding ready na 'ko sa magaganap.

Seducing Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon