Part 26 - Xander's Story

2.4K 41 3
                                    

Macqueen's PoV

Pagkatapos ng nangyari sa pagitan namin nina Xander at Sherly ay hindi ko na sila kinausap. Pinalipat ko na silang dalawa sa ibang department.

Lagi akong kinukulit ni Xander. Nandong tumawag siya, magtext, email at magpadala ng kung anu-ano pero lahat dineadma ko. Ang alam ko'y ngayon ang araw ng pag-alis niya papuntang Canada para mag-aral.

Papasok kami ni Eric sa building nang may mapansin akong kakaiba.

"Eric bakit panay ang tingin sakin ng mga empleyado? May dumi ba ko sa mukha? Tsaka bakit ang daming television sa bawat sulok?"

"Naku ewan ko ba. Baka nagagandahan lang sa'yo. Yung mga tv? Baka bagong product ng company." Ani Eric habang panay ang tap sa cellphone niya.

Echoserang bakla ito. Nagagandahan? Baka nga no.hahaha Pero bagong product? Eh bakit lahat ng sulok meron?

Nagulat nalang ako nang biglang bumukas ang mga tv screen at pinakita si Xander.

"Para sa babaeng nasaktan ko. Alam kong ayaw mo na 'kong makausap. Kaya bago pa man ako umalis, ito nalang ang naisip kong paraan para masabi ko sa'yo lahat ng gusto kong sabihin. Sana naman for once, pakinggan mo ko."

Hindi ko siya pinansin kaya dimiretso ako ng elevator. Shocks naman, pati dito may tv at speaker? Kaloka ah. Prepared ang loko.

"Nung high school tayo, alam kong ikaw ang naglalagay sa locker ko ng mga love letters. Eto nga oh, inipon ko pa para sa'yo. At hanggang ngayon tinatago ko."

"Ayiiieeehh..." Kinikilig na sabi ng elevator girl. Echoserang to. Kurutin kaya kita sa chenelyn mo. Isa pa tong Eric na to. Nakooo.

Nanatili namang nakapormal ang mukha ko.

"Nalaman ko yon nung sinilipan mo 'ko sa banyo nung naliligo ako kasi nung tumakbo ka, naiwan mo yung notebook mo at nakumpira kong pareho ang sulat niyo."

"Wahaha.. Si Ma'am naninilip pala oh.haha"

Echoserang elevator girl to. Chismosa. "Hindi ako nanilip no. Magpaalam ka na trabaho mo, you're fired!" Kaloka ka. Panira ka ng moment.

"Sorry Macqueen kung pinagpanggap kita noon na girlfriend ko. Sorry din kung pinaglinis kita ng bahay namin at kung isinama kita sa bawat basketball game ko. Masisisi mo ba ko kung gusto ko lang naman makasama ang babaeng gusto ko?"

"Naks ang haba ng hair.hahaha" Sabay na nag-high five sina Eric at ang elevator girl.

Grabe tong dalawang to ah. Pag-umpugin ko kaya ito. Kailangan talagang sila ang kinikilig? Kunwari naman deadma lang ako at dumiretsong lumabas pag bukas ng elevator.

"Naaalala mo nung nagshopping tayo? Nung sinabi ko sa sales lady na girlfriend kita, binulungan niya 'ko, 'Sir ang pangit naman ng gf mo. Mas maganda pa 'ko dyan oh.' Sinagot ko din siya, 'Miss aanhin ko naman ang ganda mo, kung hindi naman ikaw ang mahal ko.'"

"OMG..bet ko yan!hahaha Haba ng hair mo girl ah." Sabi ni Eric habang papasok ako ng opisina. Hanggang dito may speaker ah. Ibang klase ka Xander.

"Chehh, naniwala ka naman. Baklang 'to. Kaya ka niloloko ng jowa mo eh." Pagpapatahimik ko kay Eric.

"Napakasaya 'ko nung mga panahong kasama kita. Lalo na kapag tinataboy mo yung mga girls na lumalapit sakin. Naaalala mo yung tungkol sa bulaklak at cake? Those were the happiest moments na kasama kita. Pakiramdam ko, ikaw ang pinakamagandang babae nung mga panahon na 'yon."

Ayaw ko mang ngumiti pero napangiti ako sa sinabi niya. Sinabayan pa ng matunog na kilig ng baklang si Eric.

"Nang gabing ng prom, nalaman ko nalang na sinabi pala ni Jeff sa'yo yung tungkol sa pustahan namin. Nag-away kami dahil don. Kahit hanggang ngayon nga hindi pa rin kami magkasundo."

Bigla namang pagpapalit ng aura ng mukha 'ko.

"Inaamin ko, pinagpustahan ka namin ni Jeff non. Pero nangyari pa yon nung hindi pa kita lubos na kilala."

Parang ayaw ko na siyang pakinggan pagkarinig ko non.

"But when I got to know you, narealize ko na ikaw ang tipo ng babae na hindi dapat niloloko." Biglang paghina ng boses ni Xander.

"Nung prom night di ba sabi ko bibigyan kita ng bulaklak? Di ko na dinala non kasi lanta na. Pero eto pa yon oh, inipit ko sa libro." Ipinakita niya sa screen yung mga dried petals.

Effort ka Xander ah. Pero sayang lang. Hindi mo na maibabalik yung mga panahon na umiyak ako dahil sa'yo.

"At yung kasama ko nung prom? Ex girlfriend ko yon. Kadarating lang niya galing ng New York kaya isinama ko na din sa prom. Pero matagal na kaming tapos bago pa yon. Gusto kitang lapitan non pero pinigilan niya 'ko."

Kung gusto mo talaga 'kong lapitan, lalapit ka Xander. Hindi sapat na dahilan yon.

"Sinundan kita nung gabing yon kahit umuulan at basang-basa na ko dahil sa pag-aalala ko sa'yo. Yung nangyari satin nung gabing yon, hindi ko ginawa yon ng dahil sa pustahan o tawag ng laman. Ginawa ko yon dahil mahal kita."

Bigla nalang pumatak ang luha ko dahil sa narinig ko. Nakita ko rin na nagpunas ng luha si Xander. Dama kong sincere siya sa sinasabi niya.

"Simula non hindi mo na ko pinansin kaya inisip kong baka ayaw mo na sakin. Sinubukan kitang lapitan pero di mo na ko pinansin."

Hirap ng magsalita si Xander dahil sa pagpipigil ng pag-iyak niya.

"Nung magkita tayo sa reunion, alam kong ikaw na yon. Wala ka namang pinagbago eh. Maganda pa rin." Sabi niya sabay ngiti.

"Siya nga pala. Yung underwear ko na kinuha mo, may katerno yun oh. Eto, kulay light blue naman. Si Mini Mouse nga lang.haha" Biglang pagbabago ng aura niya. Halatang pinipilit na tumawa.

"Naiinis nga ako nung nakita kong suot siya ni Nathan eh. Akala ko kasi itinago mo yon para sa'yo lang tapos ibinigay mo pa sa iba." Sabi niya na may himig ng pagtatampo. Di ko na rin mapigilang mapangiti dahil sa sinabi niya.

"Minahal kita Macqueen. At mahal kita hanggang ngayon. Nakakalungkot lang pero mukhang di mo na talaga 'ko mapapatawad. Ilang oras nalang papunta na ko sa airport. Sana alagaan mo ang sarili mo. At sana lumuwag ang nasa dibdib mo pagkaalis ko at pagkatapos mong mapanood ang recorded video na 'to. Eric salamat. Ikaw na ang bahala. Paalam Macqueen. Mahal na mahal kita, BABE."

-----

Halos isang oras na 'kong nag-iisip pagkatapos kong mapanood ang video recording. Totoo kaya lahat ng sinabi ni Xander? Kung sakali, hindi naman na sakin mahalaga yun eh. Aalis naman na siya. Kung totoong mahal niya ko, hindi siya aalis para layuan ako.

Naging matigas ako. May parte sa isip ko na nagsasabing sundan siya sa airport pero may parte ding ayaw. Nanatili akong nakaupo at nakatingin sa kawalan nang nagtatatarang na lumapit si Eric.

"Macqueen, si Xander! May nangyari kay Xander!"

Nagdadrama nanaman 'tong baklang 'to. Alam ko na yan no.

"Naku Eric, kung sinasabi mo yan para pigilan kong umalis si Xander, sorry pero hindi."

"Macqueen totoo talaga!" Sabi ni Eric na may paiyak-iyak pa nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Macqueen, si Sherly to.huhu Si Xander.. May nangyari kay Xander.."

Seducing Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon