Part 8 - Little Xander

2.8K 51 5
                                    

Flashback Continuation

Sikat na sikat ako kinabukasan. Pagpasok ko palang ng gate alam na alam ko ng ako ang pinag-uusapan. Yung tipong nakatingin sila sa'yo tapos bulong ng bulong sa kausap.

"Hay Macqueen Dela Rosa, ano ba 'tong ginawa mo?" buntong-hininga ko.

Pagpasok ko ng room, nagkumpulan na sa'kin ang mga kaklase ko.

"Hoy Macqueen totoo ba yung balita? Nakita mo daw?" si Sherly. Ang epal talaga ng babaeng 'to.

"Ha? Ang alin?"

"Si Xander na naliligo. Sinilipan mo daw eh. Balitang balita sa campus oh. Infairness ha, magaling kang pipili ng bobosohan." nang-aasar na sabi niya.

"Ha hindi ah." Kutusan kaya kita dyan. One time lang. Sabi ko sa isip ko.

"Nako ha, eh ano ginagawa mo sa CR?" patuloy na interogasyon nito. Napakaepal talaga ng isang 'to. Nakakapanggigil!

"Naglalaro kami ng taguan no."

"Taguan? Nakikipagtaguan ka sa sarili mo? Kaloka ka. Sa dami ng pagtataguan sa loob pa ng drum. Umamin ka na kasi. Ano, malaki ba?"

"Nako hindi ah. Wag kayong ganyan."

"Hindi malaki? Eh di maliit?"

"Hoy wala akong sinabi ah."

"Hephephep.. Layuan nyo nga si beszy. Layo. Chupi. Mga baklang to, napakatsismosa nyo. Kukurutin ko mga chemberlu nyo dyan eh." Pagpapalayas ni Eric sa kanila. I love you na Eric. You're my lifesaver talaga.

"Pero siryoso beszy, nakita mo ba?" tumatawang usisa nito.

"Che, bakla ka, kinikilig ka pa dyan. Akala ko naman kakampi kita. Interesado ka rin pala. Wala akong nakita no.."

"MALIIT.."

Oww shocks, napalakas ang boses ko. Sa halip na sabihin kong MADILIM, MALIIT ang nasabi ko. Nakatingin silang lahat sakin ngayon. Tinakpan ko ng libro yung mukha ko. Patay kang bata ka.huhu

Mabilis na kumalat ang balita. May nagpost pa sa mga pader ng papel na may nakasulat na "Little Xander." Kasalanan mo 'to Eric bakla ka. Lagot ka sakin mamayang uwian.huhu Pano na 'ko haharap kay Xander nito?

Seducing Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon