Flashback Continuation
Sa likod ako ng school dumaan nung uwian. Dapat di ako makita ni Xander. Sinabihan ko yung driver namin na doon magpark sa likod.
Maingat akong naglakad. Parang magnanakaw na sinisilip kung may darating. Lingon sa likod, wala. Lingon sa kaliwa at kanan, wala. Wooooh.
"Thank you Lord, wala po si Xander." pagdiriwang ko sa isip ko. Nakakailang hakbang pa lang ako nang may tumawag sa pangalan ko.
"MACQUEEN DELA ROSA!!!"
OMG. Si Xander. Shocks. Galit na galit siya. Gusto ko ng himatayin sa kaba.
"Ipinagkakalat mo raw na maliit yung sakin?!"
"Hindi ah. Wala akong sinabing ganon."
"Dahil sa'yo tinatawag na nila 'kong Little Xander!!"
Wahh. Galit na galit nga siya. Di ko na tuloy alam ang sasabihin ko. Dali-dali akong lumuhod at humawak ng mahigpit sa isang paa nya.
"Sosoosoorrry na Xander. Wala naman talaga kong nakita. Wala rin akong pinagkakalat. Hindi ako nagpakalat non." Humahagulgol kunwari ako.
"Tumayo ka nga dyan, ano ba'ng ginagawa mo!"
"Huhuhuhu" muling atungal ko. Ang galing mo talagang umacting Macqueen. Naniniwala na siya oh. Winner.
"Maawa ka na Xander. Please."
Shocks dumadami na yung mga tao. Kailangan galingan ko pa yung acting. Nilakasan ko pa yung hagulgol. Pinilit kong palabasin ang luha ko pero ayaw talaga. Hagulgol nalang. Wahhhhh.
"Pagkatapos kong ibigay ang lahat sa'yo basta mo nalang akong iiwan?" pagpapatuloy ko pa.
Oh shocks.. Ba't ko ba nasabi yon? Ito ang nagagawa ng kapapanood ng drama eh. Nagbubulungan na yung mga tao. OMG. What I have done? Nanglilisik ang mata ni Xander. Exit na Macqueen dali.
Dali-dali akong tumayo. Kunwari nagpunas ng luha kahit walang pupunasan.
"Tandaan mo 'to Xander. Simula sa araw na 'to, break na tayo!"
Humagulgol ako habang tumatakbo. Waaahhh. Nakatakas din. Bye bye Xander.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Yabang
HumorRomantic comedy na tungkol sa isang high school loser who turned into goddess. She will do everything para pagbayarin ang mga may atraso sa kanya during high school days. Specially, Xander, the man of her old fantasy.