Macqueen's PoV
"Sir ayos yung suot natin ah. Bagay pala sa lalaki ang pink." kantiyaw ng mga empleyado ni Nathan nang hawak-kamay kaming lumapit sa kanila.
"Naku oo nga, ayaw pang maniwala nitong si Papa Nathan. Super yummy niya kaya." kinikilig na sabi ni Eric.
"Nakakahiya kayang isuot. Kung di lang 'to regalo ng babe ko, di ko naman 'to gagamitin eh." nahihiyang sabi ni Nathan sabay akbay sakin.
Kita ko ang masamang tingin ni Xander sakin habang nag-iihaw ng mga sea foods. Alam kong alam niya na sa kanya yung boxer na yon. Sorry nalang siya no.
"Hoy Eric, ikaw nga ang mag-ihaw dito. Nawalan na 'ko ng gana!" padabog na utos ni Xander tsaka pumasok sa kubo na katapat lang namin.
"Okay Papa Xander. Malakas ka sakin eh." malanding sabi ni Eric.
Hahaha.. Kailangan talaga nagdadabog? Affected lang?haha Winner ka nanaman Macqueen.hihi
"Naku guys, hindi naman babagay yan kung hindi si Nathan ang nagsusuot no." Parinig ko pa rin kay Xander.
"Agree po ako ma'am.hihi"
Sige pa, sulsulan niyo lang ako sa drama 'ko.hahaha
"Ahm. Hi Sherly! Nandyan ka pala. Pakidalan naman kami ng Sir Nathan mo ng water. Please."
Hihihi nagtatago ka pa ah. Kala mo makakaligtas ka sakin.wahaha
"Salamat Sheryl. Pakilagyan naman ako ng sunblock sa likod oh." Sabay alis ko ng jacket ko.
Tingnan 'ko lang kung di lumuwa ang mga mata nyo. Lalo ka na Xander.hahaha Macqueen Dela Rosa on her yellow two-piece bikini. 35-24-36.nyahaha oh di ba? Daig pa ang coke.
Tulo laway ang mga mokong oh. Hahaha Pero hanggang tingin lang kayo no.
"Wow, ang sexy niyo naman ma'am at ang balat niyo po, ang kinis oh, parang porcelain. Bagay na bagay talaga kayo ni sir.hihi"
Echosera ka Sherly ha. Kung di pa kita kilala naku. Sabunutan kaya kita dyan.haha Sumisipsip ka pa ha. Pero infairness, hindi ka nagsisinungaling ngayon.haha
"Oo nga po sir. Ang swerte niyo naman po kay ma'am." Sabi pa ng isang empleyado. Pumapalakpak naman ang tenga ng lola niyo no.haha Kita ko sa sulok ng mga mata 'ko ang matalim na titig ni Xander oh.hihi Sorry ka nalang.
"Naku kayo naman, swerte din naman ako sa Sir Nathan nyo. Kasi, HINDI SIYA MAPAGSAMANTALA AT MANGGAGAMIT NA TULAD NG IBA DYAN." Pagpaparinig ko kay Xander.
-----
Xander's PoV
Kailangan talaga sa harap pa siya ng mga empleyado magpalagay ng sunblock? Nasisiraan na ba siya? At kailangan talaga niyang magparinig? Nang-iinis ba siya? Tama bang ibigay niya sa iba yung underwear ko? Grrr.
Ngayon malinaw na sa'kin ang dahilan kung bakit nagbalik siya.
"Babe tara na swimming na tayo. Inaaya na tayo ng dagat oh." Si Macqueen habang panay ang kapit sa braso ni Nathan.
Nyenyenye Babe tara na, swimming na tayo. Ang arte. Pwe.
"Sandali lang babe, I have to call someone. Magpasama ka muna kay Eric." Si Nathan.
Ano ba yan, napakawalang kwenta namang boyfriend.tsk
"Oy Eric tara na dali." Aya ni Macqueen habang pasexing naglalakad.
Nakakainis talaga 'tong babaeng 'to. Di ba nya alam na pinagtitinginan siya ng mga lalaki oh. Hay. Mga babae nga naman.
Napabalikwas nalang ako ng biglang magsisigaw si Eric.
"Tulong!!!! Saklolo!!! Si Macqueen nalulunod!!!"
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Yabang
HumorRomantic comedy na tungkol sa isang high school loser who turned into goddess. She will do everything para pagbayarin ang mga may atraso sa kanya during high school days. Specially, Xander, the man of her old fantasy.