Xander's PoV
Laging naging mainitin ang ulo ni Macqueen simula nung bumalik kami sa Manila. Tatlong araw nalang ang natitira bago ang flight ko papuntang Canada. Buo na ang aking desisyon na ituloy ang balak ko.
Papasok ako sa opisina ni Macqueen nang maubutan ko silang nagtatalo ni Sherly.
"Ayoko na po Ma'am. Magreresign na po ako." Umiiyak na sabi ni Sherly.
"Ang simple simple lang ng gagawin mo hindi mo pa magawa! Palibhasa tanga ka." Galit na sabi ni Macqueen.
Hindi ko akalain na lalabas sa bibig nya ang ganung salita. Ibang-iba sa Macqueen na nakilala 'ko dati.
"Sabagay, simpleng english sentence nga di mo pa magawa ng tama yan pa? Pasalamat ka nga napromote ka pang secretary ko eh." Tuloy-tuloy na sabi ni Macqueen na parang walang pakialam kahit naririnig ko ang away nila.
"Anong nangyayari dito? Sherly, bakit ka umiiyak?" Nagtatakang tanong ko sabay himas sa likod ni Sherly.
"Yung babae kasi na yan. Masyadong demonyita. Kaninang umaga, pinapunta 'ko sa kanila. Pinalinis niya yung buong bahay. Ngayon naman pinapabili niya sakin yung isang notebook na lista. Ano ako alila niya?" Sabi ni Sherly habang tuloy sa pag-iyak.
Bigla ko tuloy naalala na pinagawa ko rin non ang halos parehong bagay kay Macqueen.
"Sherly napakasimple lang non. Alam mo bang ginawa ko na yan dati? Ginawa ko yon ng buong pagmamahal! Walang hinihintay na kapalit!" Sabay bato niya sakin ng masamang tingin.
"Nagpaalila ako sa isang tao na akala ko'y matinong tao. Sige sabihin mong demonyita ko. Tama ka! Kasi, demonyo lang talaga ang gagawa non!"
Nanlilisik ang mga tingin ni Macqueen sakin. Ngayon ko lang narealize na ganito pala katindi ang naging galit nya sakin. Akala ko'y ang kamalian ko non, ay parang sugat na gagaling din paglipas ng panahon.
"Sorry Macqueen." Yon nalang ang tanging mga salita na lumabas sa bibig ko.
"Sorry? Sorry Xander? Bakit ka nagsosorry? Kung yun lang madaling patawarin yon. Pero nakalimutan mo bang hindi lang yon ang ginawa mo sakin?"
Balot ng galit ang mukha ni Macqueen. Humingi man ako ng tawad, alam kong wala ng saysay yon sa mga oras na to.
"Mang Johny pakipasok na po dito yung timba." Sabi ni Macqueen sa kausap niya sa telepono. Pagkatapos nito ay pumasok ang aming janitor dala ang isang timbang may maruming tubig.
"Naaalala mo 'to Sherly? Naaalala mo ba nung binuhusan niyo ko ng ganito sa banyo nung prom? Nung mga panahon na yon, karamay ang kailangan ko. Pero anong ginawa niyo? Lalo niyo pang binaba ang pagkatao ko!"
Hindi na napigilan ni Macqueen ang maiyak. Halata naman sa mukha ni Sherly ang pagkaguilty.
"Gusto mo bang ibuhos ko rin yan sa'yo 'to Sherly nang maramdaman mo rin ang pakiramdam ko non?"
Akala ko'y hindi niya tototohanin ang banta niya pero bigla niyang binuhat ang timba.
"Macqueen itigil mo na yan. Kung may galit ka sakin sana sakin nalang. Wag mo ng idamay si Sherly."
Hindi ko na rin mapigil ang sarili kong maluha. Sobrang pagsisisi ang naramdaman ko nung mga oras na yon. I never thought that a simple bribe can ruin someone's life like this.
Isasaboy sana ni Macqueen kay Sherly ang tubig nang salagin ko ito at kay Macqueen nabuhos.
"Macqueen sorry, hindi ko sinasadya." Depensa ko kay Macqueen.
"Ano bang di mo sinasadya Xander? Yung nakipagpustahan ka? Yung inalila mo ko? Pinagtawanan ako ng tao? Hindi mo rin ba sinasadya lahat ng yon?" Pasigaw na sabi ni Macqueen dahil sa galit.
"Nung ganitong basang-basa ako non. Huminto ako sa tapat mo, hinintay kong lumapit ka. Gusto kong magpaliwanag ka. Gusto kong sabihin mong hindi totoo yung sinabi nila sakin pero hindi ka lumapit. Alam mo bang napakasakit non Xander? Pakiramdam 'ko wala akong karamay nung mga oras na yon."
Nasa ganoon kaming eksena nang dumating si Nathan. Dagli niyang niyakap si Macqueen. Lalong bumuhos ang kanina pang tinitimping pag-iyak ni Macqueen.
Magsisi man ako, huli na. Nakasakit na 'ko. Hindi ang paghingi ng tawad ko ang kailangan niya kundi ang kalinga mula kay Nathan.
Nang mga sandaling yon, buong-buo na ang loob kong umalis papuntang Canada.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Yabang
HumorRomantic comedy na tungkol sa isang high school loser who turned into goddess. She will do everything para pagbayarin ang mga may atraso sa kanya during high school days. Specially, Xander, the man of her old fantasy.