Part 10 - Be My Girlfriend

2.7K 54 5
                                    

Balitang balita sa school na may namagitan samin ni Xander at pinaglaruan niya lang ako. Pero sa halip na sakin maawa. Kay Xander pa sila naawa. Unfair di ba? Gosh, buti nalang strong ang lola niyo.

Dumami ang haters ko. Oh di ba? Matagal ng uso yon. Pati itong si Sherly ay nagkaroon na ng tatlong alalay.

"Macqueen nagpunta kanina dito si Xander. Hinahanap ka." si Sherly.

Oh no. Patay ka na Macqueen. Hinahunting ka na ni Xander my love. Kung anu-ano kasing kagagahan ang ginagawa mo.

"Grabe naman, wala palang taste si Xander. Pipili lang sya yung hindi pa pantay yung balat. Mukhang DALMATIAN! Eeeeww"

Wow, sakit naman nitong magsalita. Kala mong kagandahan. Pag ako gumanda, who you ka sakin!

"Wala ka ng magagawa don no. Eh sa nagustuhan ako ni Xander eh. Kasalanan ko bang maakit siya sakin?" malakas kong sabi dahil sa inis ko.

"MACQUEEN DELA ROSA!!!"

Waaahh! Si Xander na naman? Wag mong sabihing narinig nya? Patay kang bata ka. Dali-dali nya 'kong hinila palayo hawak ang kamay ko. Wahh. Ang sweet.

Kita kong nakatingin si Sherly sa pagkakahawak sakin ni Xander. Wiiihh bitter ang peg?

"Ang kapal naman ng mukha mo para ipagkalat na naakit ako sayo?" galit na sabi nya.

"Hindi pa nga tapos yung tungkol sa paninilip mo sakin at sa lintik na Little Xander na yan dinadagdagan mo pa!" Oh my. Umuusok na yung tenga nya. Kalma lang Xander my love.

Aha! May naisip ako. You're so great talaga Macqueen. Lumuhod ako at humawak sa paa nya.

"Sorry na Xander." muling pag-acting ko na naman. Tyak effective 'to. Magaling kaya akong magdrama.

"Macqueen Dela Rosa!" Gosh, galit na talaga siya. Kailangan galingan ko pa.

"Huhuhu Xander maawa ka na. Di ko talaga sinasadya."

"Bumenta na yan! Akala mo ba nakalimutan ko na yung ginawa mo kahapon?" Oh my. Nakakatakot yung mata nya.

"Sorry na. Patawarin mo na 'ko.huhuhu Promise magpapakabait na 'ko. Lahat gagawin ko mapatawad mo lang ako." Kahit ang buong kaluluwa ko pa. Chos.

"Lahat?"

"Oo. Promise!" sabi ko with konting tears effect.

Effective yata.. Oh well, ako pa ba? Si Macqueen.

"Tumayo ka dyan." awtoritadong utos nya.

Tumingin siya sa mata ko. Parang may gusto siyang sabihin kaya nagbeautiful eyes ako. Inilapit ko yung mukha ko sa kanya. Hinawakan nya yung kamay ko.

"Macqueen, be my girlfriend."

-----

Seducing Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon