Part 5 - Sino si Nathan?

3.7K 80 18
                                    

Gusto ko ng magback-out sa plano ko dahil sa pagpapalit ng music pero biglang hinawakan ni Xander ang kamay ko. Gosh, ang lambot. Pero yung pag-alalay niya, very masculine. Pero hindi dapat ako magpadala. Focus Macqueen. Focus.

Magkalapit na kami ngayon pero di ako makatingin sa kanya. Grabe, ang bango. Bakit ba kasi ang daming reasons para magustuhan ko siya? Kaasar. Wag ganyan ateng.

Kahit di ako tumingin, alam kong nakatitig siya sakin.

"Kamusta ka na? Hindi na kita nakita pagkatapos ng graduation ah."

OMG, pati ba ang hininga nya may pabango? Nakakaadik ang  amoy.Wahhh. Di ko alam kung ramdam niya ang mabilis na heartbeat ko.

Nasa ganoon kaming sitwasyon nang lumapit si Eric.

"Hoy Beszy tumawag si Nathan. Nasa labas na raw siya."

Wahh. Lifesaver talaga kita Eric. Muntik na kong himatayin ng wala sa oras kung di ka dumating.

"Nathan? Who's Nathan? Boyfriend mo?" takang tanong ni Xander habang nakakunot ang noo. Hala ano itech, selos lang ang peg?

Pumasok sa hall ang isang gwapo at matangkad na lalaki. You will notice his lean body and clean cut hair style. Pero ang talagang pambato nya is his captivating eyes. Wag kang titingin sa mata nya, kundi maiinlove ka ng wala sa oras.

Kumaway siya sakin nung makita niya 'ko.

Lumakad siyang palapit sakin. Grabe, lakad palang lalaking lalaki na. Makalaglag panti sabi nga nila.

"Sir Nathan?" gulat na bati ni Xander paglapit nito.

Yay! Tama po ang basa niyo, Sir Nathan. Si Prince Nathan Sandoval lang naman ang CEO ng PNS Company na pinagtatrabahuhan nina Xander at Sherly.

Lumapit si Nathan sakin sabay halik sa pisngi ko. Pagkatapos ay yumakap at humawak siya sa bewang ko. Oha, kilig much ang Lola niyo.

Ibang-iba ang mukha ni Xander ngayon kumpara kanina. Panay din ang tingin niya sa kamay ni Nathan na nasa bewang ko.

"Mr. Guevarra kamusta? What a coincidence. Batchmate pala kayo ni Macqueen?" bati ni Nathan Kay Xander.

"Ah, yes sir. Close po kami ni Macqueen nung high school."

"Wahh. Ano daw? Close talaga? Patawa ka Xander." sabi ko sa isip ko.

Lumapit na din si Sherly at yung iba pa.

"Oh miss Gonzales, nandito ka rin?"

"Sir talaga, Sherly nalang po." malanding tono ni Sherly. Ginamit ko nanaman ang pagkakataon para umeksena.

"Naks, akalain mo nga naman. Pare-pareho pala kayong nagtatrabaho para sa BOYFRIEND ko." wika ko ng nakakapit sa braso ni Nathan.

"Boyfriend mo?" sabay na sabi nina Sherly at Xander. Wahhh. Kailangan talaga sabay pa sila?

"Bakit may nakakagulat ba don? Gwapo ako at maganda siya." depensa ni Nathan.

"Ah, wala po sir." alangang sagot ni Sherly. Epic ang reaction ng mukha niya. Panay ang tungga sa iniinom niyang wine. Halatang di siya komportable sa nagaganap. Kita ko naman ang bulungan ng iba pa at ang biglang pagkadismaya sa mukha ni Xander.

"BABE, ang ganda ng music oh. Di ba favorite mo yan? Sayaw naman tayo." anyaya ko kay Nathan sa pinaarteng tono ng boses ko. Talagang pinarinig ko kay Xander at Sherly. Sino ba ang mag-aakala na ang dating panget ay magkaka-boyfriend na sing gwapo ni Nathan.

"Wait lang guys ha, isasayaw ko lang 'tong BABE ko." sabay piga niya sa magkabilang pisngi ko na parang nanggigigil sa isang cute na bata. Kinilig naman kunwari ang lola nyo.

Yan si Nathan. Gwapo at mayaman man, hindi mo mararamdaman ang superiority nya kapag kasama mo sya. Very down to earth at marunong makisama sa iba. Malayo sa naaalala kong katauhan ni Xander.

Seducing Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon