From being
THE BIGGEST MISTAKE
into HIGHLY FAVORED.
MALAS SA PAMILYA.
Ganyan ko tinitignan ang sarili ko. Ganyan ang pinaniniwalaan kong katangian ko bilang tao. Ganyan ko itinuring ang sarili ko.
Madalas ikwento sa akin ni Mama noon na noong hindi pa raw ako ipinapanganak, maginhawa ang buhay nilang tatlo ni Papa at ni Kuya. Pareho silang may disenteng trabaho. Hindi man mayaman, pero hindi rin mahirap. Financially stable, kumbaga. May ref pa nga sila, may four wheels, at take note: Promil or S-26 ang gatas ng Kuya ko.
Pero noong ipinanganak ako, tila nawala ang lahat. Oo, pagkapanganak ko raw.
Nang dumating ako sa mundong ito, sabay nawalan ng trabaho sina Mama at Papa dahil nalugi ang kumpanya na pinagtatrabahuhan nila. Naisangla lahat ng alahas ni Mama para lang may maipantustos sa amin. Mula sa mamahaling Promil, naging 'am' na ang pagkain namin ng kuya ko. At dahil nangungupahan lang kami noon sa Maynila, naging mas mahirap pa. Walang trabaho ang parehong magulang ko at kailangan pang bayaran ang bahay, kuryente, at tubig. Hindi pa kasama doon ang pagkain namin at iba pang pangangailangan.
Kaya noong lumalaki ako, natatak sa isip ko na ako ang malas sa pamilya namin.
Nakikita ko kung paano mangutang si Mama sa iba't ibang kamag-anak at kakilala. Nakikita ko kung paano hindi matulog at umuwi si Papa ng bahay para lang makapag-overtime at may dagdag sa sahod niya. Sa murang edad, nauunawaan ko na ang hirap ng buhay. Kaya tuwing magkakasakit si Mama o si Papa, umiiyak ako nang tago. Sinasampal ko ng malakas ang mukha ko. Sinusuntok ko ng malakas ang pader at ang katawan ko. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit pinanganak pa ako. Kasi dahil sa akin, naghihirap ang pamilya namin. Hindi na nila muling mararanasan ang ginhawa.
Dumating din sa puntong sinisi ko ang lahat kay Lord. Nananalangin ako. Nagmamakaawa. Pero pakiramdam ko, walang nangyayari. Iyon ang mga panahong nakikita ko si Mama na hirap na hirap huminga dahil sa asthma. Walang pambili ng gamot. Walang nebulizer. At higit sa lahat, wala akong magawa.
Iniisip ko noon palagi kung paano ako mamamatay. Isang tahimik lang na paraan kung paano ako mawawala. Walang magiging ingay o kalat. Nilulunod ko ang sarili ko nang pabaliktad sa drum na punong puno ng tubig, hanggang sa mawala ako ng hininga. Ilang beses. Paulit-ulit. Sa edad na walo, nagsimula akong gawin ang sariling paraan para mawala sa mundo. Kasi para sa akin noon, 'pag namatay ako, magiging maayos na ulit ang buhay nila-mawawala na ang malas.
I thought of myself as the BIGGEST MISTAKE OF OUR FAMILY.
I AM THE BIGGEST MISTAKE IN THE WORLD.
Lalo na kapag ako'y pumapalpak at pinagalitan, ang tingin ko sa sarili ko, ang laki kong MALI! Na wala na akong nagawang tama kahit kailan. Pati na ang pinakamaliit hanggang pinakamalaking achievement ko, na hindi ko nararamdaman na naa-appreciate man lang nila, pakiramdam ko ay wala akong kwenta.
Hindi ako honor student noong elementary, pero nag-strive ako noong high school dahil gusto ko ng atensyon mula sa mga magulang ko. Idagdag pa yung moment na sinabihan ako ng teacher ko sa Math noong first year high school na bobo at walang alam dahil lang nagkamali ako ng sagot sa recitation. Tumanim agad sa isip ko iyon, na malas talaga ako kaya marahil nagkamali ako ng sagot. Sa sobrang galit ko, muntik ko na siyang masapak sa mukha kung hindi lang ako pinigilan ng mga classmate ko.
Hindi alam ng mga magulang ko ang mga kalokohan ko noong mga panahong iyon. Average lang naman ang mga grades ko. Akala nila matino ako. Hindi nila alam kung saan-saan ako nakakarating, kahit practice sa school lang ang ipinaalam ko.
YOU ARE READING
Moments with my First Love [UNDER REVISION]
Non-FictionThis book is the compilation of my devotional moments with the Lord through the wisdom and conviction of the Holy Spirit. This also includes some of my testimonies in my Christian journey. "For I would have you know, brothers, that the gospel that w...
![Moments with my First Love [UNDER REVISION]](https://img.wattpad.com/cover/232640731-64-k278741.jpg)