Preachings and ministerings in the church are just infilings. Hindi dapat nagtatapos doon ang connection mo sa Lord kasi mayroon kang dapat mine-maintain at pinapalago. May isang mahalagang aspeto ng ating pagiging Kristyano na binago, kinatagpo at inapuyan ng Diyos.
Speaking of mahalaga...
Naranasan mo na bang pahalagahan?
Ang sarap naman kasi talagang pahalagahan. 'Yong bang iniingatan kang hindi masaktan. Kumbaga, you are treasured and cared for. And ilang senyales na ikaw ay pinapahalagahan ay 'yong...
1. Binibigyan ka ng oras
Sabi nila, "Time is the most valuable thing a person can offer." Kahit sino kasi pwedeng sabihin sa'yong "Mahalaga ka sa akin." Pero iilan lang ang talagang magbibigay sa'yo ng oras nila.
So, if someone makes times for you even with their busy schedule or hectic responsibilities, that a strong sign na pinapahalagahan ka talaga.
2. Nirerespeto ka
It doesn't just mean pakikipag-usap ng mahinahon o may "po" at "opo". Kasi may mahinahon makipag-usap pero dinedegrade ka na pala o dini-disrespect ka na pala.
Respect means 'yong mayroon pagpapahalaga sa iniisip o nararamdaman mo. Kumbaga, they don't invalidate you as a person Included dito 'yong mga bagay na nagbibigay peace sa heart mo at 'di paggawa ng mga bagay na ikakasakit o ikakabigat ng loob mo.
3. Inaalala ka
Magkaiba ang naaalala sa inaalala. Ang naaalala, may oras lang na sasagi ka sa isip ng isang tao. Pero kapag inaalala ka, parte ka ng araw-araw na considerations niya.
4. Hindi basta-bastang iniiwan o binibitawan.
Yung kahit dumating sa punto na mahirap na ang lahat, mabigat na ang sitwasyon, at parang imposible nang makabangon, hindi ikaw ang unang isusuko o itatapon. Ang sarap kayang maramdaman na pinapahalagahan ka. Sino ba naman ang ayaw noon?
Admit it or not, lahat tayo ay naghahangad na maramdamang mahalaga, pinahahalagahan, at iniingatan.
Pero sa kagustuhan nating mapahalagahan, naitanong na ba natin sa sarili natin: Ikaw ba, marunong ka bang magpahalaga?
Bilang isang taong in-encounter ng Diyos, dapat alam nating pahalagahan ang apoy at ang bagong buhay na ipinagkaloob Niya sa atin. Hindi ito basta-bastang iniiwan o binibitawan kapag dumating ang pagsubok. At magiging posible lamang itong mapanatili kapag inilulubog natin ang ating sarili sa tinatawag na DEVOTION.
Sa devotion, natututo tayong magbigay ng oras sa Diyos, igalang ang Kanyang presensya, alalahanin ang Kanyang kabutihan, at manatiling tapat sa Kanya. Dahil kapag tunay mong pinahahalagahan ang isang bagay, hindi mo iyon basta-basta bibitawan. Gano'n din sa relasyon natin sa Diyos—kapag pinahalagahan natin Siya at ang buhay na ibinigay Niya, pipiliin nating manatili, kahit gaano pa kahirap ang daan.
LET'S TALK ABOUT DEVOTION
Our dwelling verse is found in Joshua 1:8 (NIV) saying, "Keep this Book of the Law always on your lips; meditate on it day and night, so that you may be careful to do everything written in it. Then you will be prosperous and successful."
Let's begin with the word, KEEP. According to Google, the word keep means to panghawakan, ipagpatuloy, ipreserve, sundin, at pahalagahan. At hindi puwedeng paghiwa-hiwalayin ang limang kahulugang ito. Kasi pwede mong panghawakan ang isang bagay ngayon, pero hindi mo naman ipinagpatuloy. Pwede ring ipinagpatuloy mo nga, pero hindi mo naman na-preserve. Pwede ring napanghawakan mo, naipagpatuloy mo, at napreserba mo, pero hindi mo naman sinunod. At kung hindi mo sinusunod, masasabi bang tunay mo itong pinahahalagahan?
YOU ARE READING
Moments with my First Love [UNDER REVISION]
Non-FictionThis book is the compilation of my devotional moments with the Lord through the wisdom and conviction of the Holy Spirit. This also includes some of my testimonies in my Christian journey. "For I would have you know, brothers, that the gospel that w...
![Moments with my First Love [UNDER REVISION]](https://img.wattpad.com/cover/232640731-64-k278741.jpg)