HINDI NA KITA MAHAL.
Minsan mo na ba itong narinig from someone? O baka naman ikaw mismo ang nakapagsabi nito? Na isang araw nagising ka na lang at narealize mo o narinig mo mula sa taong pinahahalagahan mo, na ang dating nagbabagong emosyon, wala na. Bigla na lang naglaho. Isang araw, nagising ka na lang na sinabi sa'yo, "Hindi na kita mahal." Kung hindi mo man ito mismong naranasan, for sure may kakilala kang dumaan sa ganitong matinding sakit.
But honestly, naniniwala ka ba sa tinatawag nilang "na-fall out of love?"
Bakit nga ba may mga taong bigla na lang nagbabago ang tibok ng puso?
Marahil...
The sparks died down. Hinayaan nilang maging routine na lang ang lahat. Nawalan na ng effort at nakalimutan nang alagaan ang relasyon.
Unmet expectations. Masyadong maraming hiningi ngunit kaunti lang ang binigay. Hanggang sa napagod at tuluyang naubos.
Growing apart instead of together. Habang lumilipas ang panahon, magkaiba na ang direksyon na tinatahak ninyo at wala nang communication.
But do you know what hurts the most?
It's when we fall out of love with Jesus. At ang masaklap dito, hindi ito nangyayari sa isang iglap lang. It always begins with a decreasing love—isang dahan-dahang paglamig na madalas hindi natin napapansin.
The root-cause of decreasing love for Jesus is abiding no more. Ang dahan-dahang paglamig ng puso natin sa Panginoon ay nagsisimula kapag unti-unti na tayong bumibitiw sa pananatili sa Kanya. Sabi nga sa Kanyang Salita,
As the Father has loved me, so have I loved you. Abide in my love, if you keep my commandments, you will abide in my love, just as I have kept my Father's commandments and abide in His love. -John 15:9-10
Abide. Abide. Abide. Paulit-ulit, 'di ba? In the scriptures, when a word is mentioned repeatedly, it means it is most important. When it is said three times, it denotes that it is most powerful.
God is a Trinitarian being (The Father, the Son, and the Holy Spirit) —POWERFUL! When two or three gathered in His name, He is in the center. (Matthew 18:20) —POWERFUL! A rope made of three strands of cord is hard to break (Ecclesiastes 4:12) —POWERFUL!
John 15:9-10 is one powerful passage in the Bible emphasizing that when you abide in God, power is being released. Ang pananatili sa Kanya ay hindi isang passive na bagay. It connects you directly to the source of spiritual life!
God is not and never far away from you. Siya 'yung Diyos na laging tapat, laging naghihintay. It is you who is no longer abiding in Him. Tayo ang madalas gumagawa ng pader. Tayo ang unti-unting lumalayo at naglalagay ng distansya sa pagitan natin at ng Panginoon.
Sa tao lang applicable ang social distancing, 'wag mo i-apply sa relasyon mo sa Lord.
Don't let a single day skip without abiding in God. Huwag mong sanayin ang sarili mo sa mapanganib na habit na ito—'yong lumilipas ang mga araw na hindi mo Siya kinakausap o pinakikinggan. Because if this lifestyle continues, you will eventually die spiritually. Unti-unting mamamatay ang apoy at ang alab ng pag-ibig mo para sa Kanya.
God is always faithful when He said, "I will never leave you nor forsake you." It is just always us who forget, who went stray, and who fail.
Remember, abiding in the Love of God is not a rigid law to follow but a beautiful invitation that must be accepted. Not a checklist, but a RELATIONSHIP.
YOU ARE READING
Moments with my First Love [UNDER REVISION]
Non-FictionThis book is the compilation of my devotional moments with the Lord through the wisdom and conviction of the Holy Spirit. This also includes some of my testimonies in my Christian journey. "For I would have you know, brothers, that the gospel that w...
![Moments with my First Love [UNDER REVISION]](https://img.wattpad.com/cover/232640731-64-k278741.jpg)