Naranasan mo na bang magmahal?
Naranasan mo na bang kiligin sa simpleng chat o tingin lang?
Naranasan mo na bang maging masaya dahil may isang taong nagpaparamdam na mahalaga ka?
Ang sarap magmahal, 'no? Parang ang gaan ng mundo. Parang may kulay ang bawat araw. May dahilan ka para ngumiti kahit pagod ka na. Pero...
Naranasan mo na rin bang masaktan?
At kung nasaktan ka na, magmamahal ka pa rin ba?
Walang nagmamahal na hindi nasasaktan.
Lahat ng nagmamahal, nasasaktan.
At kakambal ng pag-ibig ay ang sakit.
Para sa akin, hindi talaga sila pwedeng paghiwalayin—dahil ang totoong nagmamahal lang ang makakaramdam ng sakit.
Even Jesus experienced pain in loving. He was hurt because of love. Isa si Jesus sa mga nagmahal at nasaktan. At kung mababasa mo ang katotohanan sa Bible, hindi lang basta sakit ang naranasan Niya—sobrang lalim, sobrang bigat na umabot sa punto kailangan Niyang ialay ang Kanyang buhay dahil nagmamahal Siya. Ngunit ang kaibahan Niya sa lahat ng nagmahal at nasaktan ay kahit Siya'y nasaktan, PATULOY PA RIN SIYANG NAGMAMAHAL. Hindi Siya tumigil. Hindi Siya umatras. Hindi Niya binawi ang pagmamahal Niya.
Romans 5:8 stated "But God shows his love for us in that while we were sinners, Christ died for us." Dahil nagmahal at patuloy siyang nagmamahal ay hindi lang Siya nasaktan, namatay rin Siya. Pero hindi Siya nanatiling patay, dahil pagkatapos ng tatlong araw ay muli Siyang nabuhay. (Luke 24:6-7;1 Corinthians 15:3-4) Ibig sabihin, ang pagmamahal Niya hindi tinapos ng sakit; tinapos Niya ang sakit sa pamamagitan ng pagmamahal.
Maraming tao, kapag narinig ang salitang LOVE, magre-react ng ganito: "Hmpf! Love love ka d'yan?" "Love? Nakakain ba 'yan?"
May ilan na tinatanggap lang ito bilang biro, pero may iba naman na binibigkas ito nang may kahulugan. Sabi nga nila, nasaktan kaya may pinaghuhugutan. Mag-aagree ka ba na 'yong mga taong pinaka-ayaw na sa love, sila rin 'yong pinakanagmahal at pinaka-nasaktan nito.
Ikaw? Nasaktan ka na ba dahil sa love?
Yung tipong binigay mo naman lahat pero kulang pa rin? Yung nag-stay ka pero iniwan ka pa rin?
Kung nasaktan ka na, magmamahal ka pa rin ba?
Pero bago mo sagutin iyan, alamin muna natin ang kahulugan ng salitang ito.
LOVE (according to mareng Merriam Dictionary)
- strong affection
- unselfish, loyal, and bevolent concern for others
If Love is a STRONG AFFECTION,
Bakit may pag-ibig na nanghihina at nawawala?
If Love is UNSELFISH,
Bakit may pag-ibig na nananakal?
If Love is LOYAL,
Bakit niloko ka niya? Este, bakit may mga manloloko?
If Love has CONCERN,
Bakit niya ako binaliwala? Charot.
So kung gano'n, 'di pala totoo ang LOVE? Hala!
Right now, in this very moment, God wants you to know that LOVE IS TRUE!
Kung bakit ito nabibigo? Dahil sa TAO. Ito ay dahil imperfect tayo. Nasasaktan tayo. Nakakapanakit tayo. Intentional man o hindi.
GOODNEWS!
There is a LOVE that NEVER FAILS: IT IS THE LOVE THAT JESUS OFFERS TO YOU ❤ Hindi ito pabago-bago. Hindi ito nawawala kapag nagkamali ka.
1 John 4:9-21 teaches us that God's love is not just a concept or feeling, but a profound, sacrificial act manifested through Jesus Christ, His Son. Hindi lang ito salita, ginawa Niya ito. God's love was demonstrated through the ultimate gift—sending His Son to die for our sins so that we might live through Him. This is the foundation of love: not that we loved God first, but that He loved us even when we were unworthy.
YOU ARE READING
Moments with my First Love [UNDER REVISION]
Non-FictionThis book is the compilation of my devotional moments with the Lord through the wisdom and conviction of the Holy Spirit. This also includes some of my testimonies in my Christian journey. "For I would have you know, brothers, that the gospel that w...
![Moments with my First Love [UNDER REVISION]](https://img.wattpad.com/cover/232640731-64-k278741.jpg)