CHAPTER 1

1.7K 105 62
                                    

(Allyson's POV.)

***4 years after***

Nang pumasok ako sa isang cafe malapit sa pinagta-trabahuan ko ay hinagilap agad ng mga mata ko si Arriane at Liam.

"Bae! Here." Pag kaway ni Arriane upang agad ko silang makita.

Ngumiti ako nang makalapit na ako sa kanilang dalawa.

"Kamusta naman bakasyon niyo dito sa New York? Tuwing wedding anniversary niyo ay kung saan saang bansa kayo napapadpad ah." Pagtatanong ko sa kanila nung maupo ako.

"Grabe mas gumanda ngayon ang New York! Kaya naman pala hindi mo magawang umuwi ng Pilipinas e." Bakas sa mga mata ng kaibigan ko yung saya at excitement niya.

"Walang lang akong rason para umuwi ako. Ano na bang mga lugar ang napuntahan niyo dito?" Giit ko nung humigop ako nung inumin na inorder nila.

"We visited museums, plazas and parks. Sumama ka naman samin mamasyal. Para naman may tour guide kami." Natatawang pagbibiro ni Liam.

"I also loved to do that. Kaso andami naming deadlines na dapat i-sumbit this week. Tumakas na nga lang ako para lang makita ko kayo." Pag rarason ko sabay napabuntong hininga.

"It's okay bae. Naiintindihan ka naman namin." Sagot ni Arriane sabay ngiti sakin.

Napalingon kaming dalawa nung biglang mag ring ang telepono ni Liam kaya nagpaalam lang ito na sasagutin muna ang tawag sa labas.

"Kamusta naman yung buhay may asawa?" Pagtatanong ko kay Arriane.

"Alam mo ngayong nakapag asawa ako, ang buong akala ko noon ay mga lalaki talaga yung gahaman sa kama. Kaso hindi pala." Pagkukuwento ni Arriane na umiling iling pa kaya natawa ako ng sobra.

"Wait. What? Ano bang sinasabi mo?" Tawang tawang pagtatanong ko.

"E kasi hindi naman ganoon ka wild si Liam. Grabe bae mas wild ata ako sa kanya. Yung tipong araw araw gusto kong kinakain batuta niya-"

"Huuuy! Nasa public tayo bruha ka HAHA!" Tawang tawang saway ko sabay hinampas siya sa braso.

"E ano naman? Mga kano naman silang lahat. Kahit na sabihin kong batuta ay hindi nila ako maiintindihan." Aniya.

"Ikaw wala talagang preno yang bibig mo."

"Pano ba naman kasi... Apat na taon na kaming kasal isa beses pa lang akong inanakan ni Liam." Bumulwak ako sa kakatawa nung sabihin niya yun.

Magmula pa high school ay talagang wild na si Arriane. Campus play girl daw siya ng eskwelahan namin noon kaya maraming nagtatakang may kaibigan siyang sobrang hinhin na katulad ko.

Gimik dito gimik doon. Kung saan saang eskwelahan ay may nagiging jowa si Arriane. Nagtino lamang siya noong dumating sa buhay niya si Liam.

"Bakit gusto mo bang taon taon ay buntis ka? Ano ba sa tingin mo yung pagbubuntis, okasyon?" Tawang sabi ko tapos ay nagrolled eyes siya.

Second Happy Ending [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon