CHAPTER 2

1.4K 83 32
                                    

(Allyson's POV.)

"I... I want to adopt Kieferson Riler Bendijo." Paglilinaw ko habang seryoso ang titig ko sa kanyang mga mata.

Nakita ko ang pagsalubong ng kanyang mga kilay nung sabihin ko iyon.

"W-what?" Pag-uulit niya.

"You've heard me very well, Fabian." Sagot ko sa kanya.

"No way, Allyson. There's no way I would allow you to adopt him. Ano bang tingin mo sa kanya? Wala ng pamilya?" Pag iling na sabi niya habang seryoso ang titig ng kanyang mga mata sakin.

"And why? I am capable because I career woman. Kaya ko siyang buhayin." Giit ko.

"Tapos ano? Ilalayo mo siya samin? Pamangkin ko siya at kung may mas karapat dapat na mag ampon sa kanya, ako yun at hindi ikaw."

"Karapat dapat? Ikaw? Ni hindi mo nga ako naalagaan ng tama, si Kieferson pa kaya?" Pagdidiin na sumbat ko sa kanya kaya saglit siyang natigilan.

"I made a promise to Arriane to take care of her son, and I am not letting myself to break that promise, Fabian." Dagdag ko pa.

"Pero pamangkin ko siya. Bali-baliktarin mo man yung mundo, anak parin siya ng kapatid ko." Sumbat nito sakin.

"Well then let us see. Gusto kong malaman kung sino ang papanigan ng korte." Nanlaki yung mga mata niya nung sabihin ko iyon.

"Wait. What? Are you that serious?" Kunot noong pagtatanong niya.

"I'm dead serious Fabian. Pamangkin mo nga siya, pero baka nakakalimutan mo... ninang din ako ng bata. Kaya kung may laban ka, may laban din ako. I guess it would be a fair fight for the both of us." Pagdidiin ko sa mga sinabi ko sabay ibinaling ang atensyon ko kay Kieferson na tapos ng kumain.

"Tapos na bang kumain ang baby boy ko? Gusto mo na bang maligo?" Nakangiting pagtatanong ko at tumango lang siya sabay kinarga ko.

"Ally... you should not do this to me. We should not fight over Kieferson's custody." Giit niya nung hawakan niya yung braso ko pero tinignan ko lang siya ng sobrang lamig.

"Hindi ba mukhang sobra na saktan pa natin ang isa't isa, after all the things we have gone through in the past?" Seryosong pagtitig niya sa mga mata ko pero binawi ko lang yung pagkakahawak niya sa braso ko.

"Wasak na kung ano man yung meroon tayo at nasaktan na rin natin ang isa't isa. May isasakit pa ba yung hindi mo pagsipot noon?" Pagtatanong ko sa kanya na walang mababakas na kahit anong expresyon ang mukha ko.

"Dada and nana is fighting... fighting is bad. K-kieferson don't want that..." Naibaling lamang yung atensyon naming dalawa nung biglang magsalita si Kieferson.

"N-no no baby. Hindi kami nag-aaway. May hindi lang kami napagkakasunduan na dalawa." Pagpapaliwanag ko sabay binigyan ng isang matalim na titig si Fabian bago kami lumabas ng kusina para mapalinguan ko na siya.

-------------------

"Kiefer bat lumabas kana basa pa yang buhok mo-" paghabol na tawag ko sa kanya nung dali dali na lamang siyang lumabas ng banyo.

Natigilan ako sa pagtakbo nung makitang karga karga na siya Fabian habang ginugulo yung buhok ng pamangkin.

"Ikaw ba yung naligo? Mukhang ikaw pa ata yung nabasa." Panunukso niya sakin na nakangising nakatitig sa dalawang nag uumbukang mga dibdib ko dahil bakat ang pang ilalim na suot ko.

Nang maibaba niya si Kieferson ay tumakbo siya palabas ng kuwarto na hubot hubad. Naiwan kaming dalawa at hindi niya maalis yung malagkit na titig niya sakin.

Second Happy Ending [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon