(Fabian's POV.)
"So I guess that's it? Sisilipin ko muna si Kiefer bago ako umalis-" Nang madinig ko iyon mula kay Allyson, ay tumayo siya upang tumalikod kaya agad agad akong humakbang para hilahin yung braso niya, sabay yumakap ng sobrang higpit sa kanya.
"W-what about me? W-what about us, Allyson?" My voice broke as I bite the lower part of my lips.
Is this really the end of us? Am I just going to let her leave the country again? My heart is already aching just by thinking that I have no choice but to let her go for the second time around.
I don't know how to compensate with the pain, and how should I deal with it again. Kinaya ko yung sakit noon, pero hindi ko na ata kakayanin kung mauulit na naman ang lahat ng mga nangyari.
"There was never an 'us', Fabian. Our love story has already ended four years ago... on the day of our wedding." Mahinang sagot ni Allyson sakin, habang nakatitig ng seryoso yung mapupugay na mga mata niya.
I didn't utter a single word to her but my tears started to rolled down as I tried to understand everything she said. I am already desperate, and I really don't want to let her go again.
Hinayaan ko siyang umalis ng Pilipinas noong naghiwalay kami, at pinagsisisihan ko ang araw na hindi ko siya hinabol sa airport. Aaminin kong nangulila ako sa mga yakap at halik ni Allyson ng apat na taon. Kaya ayoko ng palagpasin pa ang huling pagkakataon na meroon ko ngayon.
"Hindi na natin madudugtungan pa yung kwentong matagal ng natapos.." Giit niya saking halatang pinipigilan lamang niyang umiyak sa harap ko.
"N-no.. No no please don't say that." Umiiling iling na sabi ko dahil kahit na anong gawin ko, ay hindi parin mag sink in sa utak ko na hanggang dito na lamang talaga ang kwento naming dalawa.
"Wag na nating ipilit pa yung hindi na talaga pwede. The more na ipagpipilitan natin, the more na mas marami tayong masasaktan na tao. Nasaktan na natin si Dominic, ngayon naman si Kieferson. Sino pa ba yung balak mong saktan?" I didn't get the chance to answer because I am still in the middle of crying. I just can't accept the fact she doesn't want to try saving our story anymore.
Nagulat na lamang ako noong makita ko siyang humakbang papalapit sakin, sabay niyakap ako ng sobrang higpit. Naramdaman kong sunod sunod na bumuhos yung mga luha ko dahil sa pagdadalamhati sa puso kong nadurog na naman.
"I-I'm so sorry for hurting you..." I heard her voice broke and I know that it is also difficult for her to make this choice.
Pinili na niyang isuko yung kakarampot na pagmamahal niya sakin, dahil alam niyang may mga tao na kaming nasaktan. Pinili niyang hindi na lamang bigyan ng second chance yung pagmamahal namin, dahil sa takot na baka mas masaktan namin ang isa't isa.
Naiintindihan ko ang naging dahilan at punto niya, pero hindi ko alam kung papaano ko tatanggaping hindi na talaga kami pwede para sa isa't isa. Alam niyo yung masakit? Yung alam ninyong may pag-asa pa, pero dahil sa dami na ng mga nangyari ay pipiliin niyo na lamang na sumuko at hindi na ipaglaban pa yung pag-ibig na meroon kayo.
"ALLYSON!" Akmang ibabalik ko pa lamang yung yakap na ibinigay sakin ni Allyson noong biglang may isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanyang pangalan.
"P-papa?!" Bakas sa expresyon niya yung gulat noong makita yung tatay niya na kasama si Dominic.
Nang sulyapan ko si dad ay bakas sa expresyon ng kanyang mukha yung galit noong makita niya kaming magkayakap sa isa't isa. Pinuntahan niya si Allyson na parang hindi na makapagtimpi sa kanyang galit.
BINABASA MO ANG
Second Happy Ending [COMPLETED]
RomanceSi Allyson Jane Buenaventura ay lumaki sa isang marangyang pamumuhay. Maganda at desenteng babae dahil nakapag tapos sa isang prestihiyosong paaralan sa New York. Lumaki siyang abot kamay ang lahat ng gusto niya, ngunit ang kagustuhang maikasal at...