(Allyson's POV.)
Nakangiti ako nung binuksan ko yung glass door sa coffee shop na pagmamay-ari nina Elaine at Regan. Kakaunti pa lamang yung customers na nakatambay sa loob kaya hindi pa sila ganoon ka-abala.
"Oh! Ally!" Nang masilayan ako ni Elaine na nakatayo sa pintuan, ay agad niyang iniwan yung ginagawa niya sa counter sabay napatakbo para akapin ako.
"Kamusta ka na? Mabuti naman at napadalaw ka." Bakas sa expresyon ng mukha niya na masaya siya noong makita niya ako.
"Pasensya na. Ngayon lang kasi ako nagkaoras." Ngiti kong sagot sa kanya.
"Oh siya upo ka muna at ipaghahanda kita ng kape." Aniya sabay pinaupo ako sa gilid ng bintana.
Hindi nagtagal ay nasilayan ko na siyang dala dala yung mainit na kapeng inihanda niya sakin. Nang maupo siya sa harap ko, ay saglit niya akong tinitigan bago nagsalita uli.
"Akala ko di ka na dadalaw e. Kamusta na pala si Kieferson?" She asked me.
"Kiefer is doing fine. Mas naging malapit ako sa kanya dahil andami na naming nagawa na magkasama recently." Nakangiting pagkukwento ko sa kanya.
"Really? Like what?" She asked.
"Recently, nagtayo kami ng treehouse sa garden. Gustong gusto niyang tinatambayan yun ngayon. Nung nakaraang linggo naman ay bumisita kami sa isang orphange home kaya marami siyang mga nakilalang mga kaibigan." Pagkukuwento ko sabay higop ng mainit na kape.
"That's good to hear. These days, alam mo bang pinipilit ako ni Adi na dalawin si Kiefer dahil baka raw wala ng kalaro yung inaanak mo. Alam mo naman yung nangyari nung birthday party niya." Nang sabihin niya yun, ay naalala ko kung paanong nasaktan ng sobra si Kieferson noong dumating yung batang kalaro niya dati at nanggulo sa mismong part niya.
"Kiefer would love if Adi will going to visit him at home. Alam mo namang magka-vibes yung dalawa." Giit ko sabay ngiti.
Ilang minuto kaming natahimik ni Elaine, kaya napako na lamang yung titig ko sa basong hawak ko. Napayuko ako habang naglalakbay na sa malayo yung diwa ko.
"E ikaw? How are you?" Nang tanungin niya ako bigla ay napatitig ako sa mga mata niya pero hindi ako nakasagot.
"Bat napadalaw ka? May problema ba?" Nang tanungin niya ako, ay iniwas ko na lamang bigla yung mga mata ko sabay napayuko uli.
Nagulat na lamang ako noong bigla niyang hawakan yung kamay ko bago siya nagsalita.
"You can tell me, Ally. I'm going to listen." Nakangiting giit niya nung matitigan ko uli siya sa mata.
"I-I don't know what I am doing right n-now. I-I'm confused." Mahinang panimula ko, pero naramdaman ko lang na mahigpit niya akong hinawakan sa kamay ko.
"Confused? Why do you think so?" She asked.
Ilang minuto ko siyang hindi nasagot dahil kino-compose ko palang yung sasabihin ko. Tahimik naman siyang naghintay sa sagot ko at sinusubukang intindihin ako.
Napabuntong hininga ako sabay napahilamos sa mukha dahil kahit gaano ko ayusin yung mga salitang sasabihin ko, ay alam kong hindi magiging tama yung sekretong maririnig niya mula sakin.
"I've done something wrong, Elaine. I-it was a sin." Mahinang sambit ko nung magsalita ako. Nakita kong nagsalubong yung mga kilay niya na parang hindi malinaw sa kanya yung nasabi ko.
"M-may nangyari saming dalawa n-ni Fabian." Dagdag ko pa sabay kagat labing umamin sa kanya.
"That's normal, Allyson. Loving someone is not a sin." Nang sabihin niya iyon ay natawa siya ng bahagya na parang nawala yung pangamba niya.
BINABASA MO ANG
Second Happy Ending [COMPLETED]
RomanceSi Allyson Jane Buenaventura ay lumaki sa isang marangyang pamumuhay. Maganda at desenteng babae dahil nakapag tapos sa isang prestihiyosong paaralan sa New York. Lumaki siyang abot kamay ang lahat ng gusto niya, ngunit ang kagustuhang maikasal at...