(Allyson's POV.)
"Kiefer tama na yang kakanuod mo ng doraemon. Halika na rito para makapag agahan ka." Pagtawag ko kay Kiefer habang inilalapag yung mga pagkain sa lamesa.
"Hmm! Bango niyan ah? Kiefer kakain na!" Bigla bigla na lamang sulpot ni Fabian.
Nung akmang kukuha na siya ng plato ay pinalo ko yung kamay niya gamit yung sandok na hawak ko.
"Aray! Bat mo ginawa yun?!" Inis na pagtatanong niya.
"Si Kiefer lang pinaghanda ko ng breakfast." Pagtataray ko sa kanya.
"Ha? E andami nito oh. Maliit lang yung bituka nung bata kaya hindi niya rin to mauubos lahat." Pagrereklamong giit niya habang itinuturo yung mga piniritong itlog at hotdog sa mesa.
"E ano ngayon? Kung hindi niya mauubos edi ipapakain ko sa aso."
"Buti pa yung aso. Sana aso na lang din ako." Pagtatampong giit niya sabay napa cross arms at nakapout pa sa harapan ko.
"Bat maiingit ka? E mukhang hayop ka naman talaga." Napa rolled eyes na sagot ko.
"W-what?!"
"Are you two fighting?" Napalingon kami sa pinto nung makita namin si Kieferson.
"N-no baby. Nag-aasaran lang kami. Halika na para makakain ka na." Pagtawag ko sa kanya kaya dali dali naman itong napatabi sakin.
"Hmm! I love hotdog!" Masiglang sabi ni Kiefer habang ngumunguya.
"Masarap ba?" Pagtatanong kong nakangiti sa kanya tapos ay tumango tango ito sakin.
"Kiefer, may mas masarap sa hotdog na yan. Alam mo ba kung sino?" Nakasalubong yung mga kilay ko nung bigla siyang kausapin ni Fabian.
"What? Really? Who?"
"Mas masarap yung nagluto niyan." Nang sabihin niya yun ay lumingon siya sakin tapos ay binigyan ako ng isang ngiting nakakaloko sabay uminom ng tubig.
"So sinasabi mong masarap si manang?" Nang tanungin ko siya ay bumulwak yung tubig na dapat sana'y iinumin niya.
"Ewww! Dada that's yucky!" Bulalas nung bata na diring diri pa sa tubig na nailuwa niya sa lamesa.
"What? So hindi ikaw yung nagluto ng mga to? Pero kung maka arte ka ay parang ikaw yung naghanda." Aniya pero hindi ko siya sinagot at si manang yung tinanong ko.
"Oh manang ano masasabi mo? Masarap ka daw." Giit kong natatawa nung lingunin ko si manang na naghuhugas nung mga pinaglutuan.
"Si sir naman napaka mapag biro hihihi!" Ngisi ni manang habang nag fi-finger heart pa kay Fabian.
"I-I think I need to go to work." Tarantang sabi niya habang dali daling napatayo mula sa kanyang pagkakaupo.
"Oh di ka man lang ba kakain? Kanina atat na atat ka diba?" Panunukso ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Second Happy Ending [COMPLETED]
RomanceSi Allyson Jane Buenaventura ay lumaki sa isang marangyang pamumuhay. Maganda at desenteng babae dahil nakapag tapos sa isang prestihiyosong paaralan sa New York. Lumaki siyang abot kamay ang lahat ng gusto niya, ngunit ang kagustuhang maikasal at...