(Allyson's POV.)
"Kiefeeeer! Halika rito anak nagbake ako ng cookies para sayo." Masayang paglalambing ko sa batang si Kieferson
"Yey! Yey! Kiefer... Kiefer wants to eat nana's cookies!" Patalon talon na giit niya.
Napatakbo naman siya palapit sakin na tila ba ay sabik na sabik ng tikman yung meryendang inihanda ko sa kanya.
"Kiefeeeer! Maglaro muna tayo ng PS4. I bought new games oh. You wanna play with dada? You wanna play? Halika ka na." Pang aakit ni Fabian sa bata habang winawagayway yung mga dvd na hawak niya.
Hindi man lang niya natikman yung meryendang handa ko at napatakbo na siya palapit kay Fabian.
"Ay! Ay! Captain!" Patalon talon na giit niya.
"Aiiish. Cheater." Mahinang giit ko sa sarili ko na napapamake face na lang dahil sa sobrang pagka inis sa kanya.
Hindi ako papayag na ganun ganun na lamang siya mananalo laban sakin. Kailangan kong gawin yung lahat ng makakaya ko para mas mapalapit sakin si Kieferson.
Kung mas mapapalapit yung bata sakin, ay paniguradong ako yung pipiliin niya kesa sa uncle niya. Hindi ako papayag! kelangan ay may gawin din ako para makuha ko yung atensyon ng bata.
Tinanggap ko yung alok ni Fabian na hayaang si Kieferson na ang mamili sa kung sino sa aming dalawa yung pipiliin niyang mag aampon sa kanya. Kaya ilang araw magmula noong nakapag usap kami ay nandito na ako nakatira kasama silang dalawa.
Nagrequest ako ng leave sa pinagta-trabahuan ko ng dalawang buwan para ituon yung atensyon ko kung papaano ko makukuha yung puso ni Kieferson at mapalapit sakin.
"Kiefeeeer! Movie marathon tayo gusto mo? You told me that you want to watch Despicabl Me right? I have one to three. You want to watch it with nana?" Pagtawag ko sa kanya na nakaturo pa sa laptop na hawak ko.
"Despicable Me! Despicable Me! I wanna watch! I wanna watch!" Patalon talon na giit niya at tumakbo papalapit sakin.
"Let's go?"
"Ay! Ay! Captain!" Masiglang sabi niya.
"Ugh! Come on, Allyson! We haven't started the game yet!" Galit na turan ni Fabian na masama na ang titig sakin.
"E bakit? Hind rin naman niya nakain yung meryendang hinanda ko diba?" Pagtataray ko sabay kinarga si Kieferson papasok ng kuwarto.
"Damn it!" Narinig ko pang pagsigaw niya sa sobrang pagkainis pero hindi ko na siya pinatulan pa.
Nang magsisimula pa lamang kaming manuod ni Kierfer ay bigla na lamang pumasok sa loob ng kuwarto si Fabian na naka dinosaur costume.
"Kiefeeeeeer! You want to visit Jurassic world with me?" Aniya habang ipinapakita sa bata yung costume niya.
"Wow! Teryx! Teryx! Give me a ride mr. dinosaur!" Patalon talon na giit ni Kieferson sa ibabaw ng kama.
"T-the movie is about to start Kiefer!" Pagtawag ko sa kanya, pero huli na dahil naka piggy back ride na siya sa likod ni Fabian.
"Let's go! Let's go Kiefer wohooo!" Palundag lundag pa si Fabian sabay tumakbong palabas ng kuwarto.
"Ugh! For goodness sake Fabian!" Nagtitimpi na lamang ako dahil pakiramdam ko ay puputok na ako sa sobrang pagkainis.
"What?" Tinatawanan lang niya ako ng nakakaloko.
BINABASA MO ANG
Second Happy Ending [COMPLETED]
RomanceSi Allyson Jane Buenaventura ay lumaki sa isang marangyang pamumuhay. Maganda at desenteng babae dahil nakapag tapos sa isang prestihiyosong paaralan sa New York. Lumaki siyang abot kamay ang lahat ng gusto niya, ngunit ang kagustuhang maikasal at...