(Allyson's POV.)
"Babe?" Nadinig kong malambing na tawag ni Fabian sa akin.
Magkatabi kaming nakaupo habang pinagmamasdan ang palubog na araw sa dalampasigan at hindi ko alam kung nasaan kami ngayon.
"Yes babe?" Giit ko nung lingunin ko siya.
"What do you want to be on your next life?" Nang tanungin niya ako, ay saglit akong nahinto upang mag-isip.
"I wanted to be a beautiful butterfly in my next life, babe." Sagot ko habang nakatitig sa puting paru-parung biglang dumapo sa balikat niya.
"Butterfly? Why?" He asked me in a puzzled face.
"I wanted to fly high and see the beauty of the world." Nakangiting saad ko sa kanya.
"I wanted to always see the beauty in your eyes, Fabian." Dagdag ko pa habang nakatitig sa mga mata niyang namumugay sa sobrang ganda.
Nang madinig niya iyon, ay nakita ko ang unti-unting pag-arko ng kanyang labi at marahan na hinawi yung buhok na nakaharang sa mukha ko.
"You don't need to see the beauty of the world, Allyson. All you need to do is to look at your reflection on the mirror... because you are the real beauty."
"And you are the most beautiful masterpiece that my eyes had ever seen." Dagdag pa niya at marahan na hinahaplos yung pisnge ko.
"How about you? What do you want to be in your next life?" Nang tanungin ko siya ay hindi na siya nag-isip at agad na sumagot.
"I wanted to be your guardian angel in my next life... I wanted to stay with you forever, Allyson. You may not be able to see me, but I am always beside you. Like a real angel... " Nang marinig ko iyon ay naramdaman ko ang biglang pag-init ng aking mga pisnge kaya napakagat labi ako upang itago yung kilig na naramdaman ko.
"Bakit sa next life pa kung pwede ka namang magstay sa tabi ko ngayon?" Nakangiting pagtatanong ko sa kanya, pero nakita ko ang awtomatikong lungkot na biglang bumalot sa kanyang mga mata.
"I don't think if I am still capable to that... but I'll do everything for our paths to cross again. It may not be tommorrow, but I someday we will going to meet again." Aniya kaya biglang kumunot yung noo ko.
"What? W-what do you mean by that?" Nakakunot ang aking noo dahil hindi klaro sakin yung mga nasabi niya.
Ilang segundo muna niyang tinitigan yung mukha ko, bago siya tuluyang sumagot.
"Hindi tayo itinakdang magsama sa mundong to, Allyson... hindi ako yung lalaking hinulma ng Diyos para sayo... at siguro hindi rin ikaw yung babaeng inilaan para sakin." Aniya sabay mahigpit na hinawakan yung kamay ko pero nagsalubong ang aking mga kilay nung madinig kong sabihin niya yun.
"Ano bang pinagsasabi mo? Paanong hindi naging tayo yung para sa isa't isa?"
"Maaring pinagtagpo lang tayo... pero hindi tayo yung itinakda. Maaring ako yung pamagat mo, pero hindi ako yung huli mo. I might be your once a upon a time, but I am not your happily-ever-after." Nang sabihin niya iyon, ay nakaramdam ako na biglang bumigat yung puso ko.
Hindi ko siya nagawang sagutin pero isa isang nagsipagbagsakan yung mga iinit na luha mula sa ilalim ng magkabilang mga mata ko. Napayuko ako upang tahimik na umiyak pero bigla niyang hinaplos yung mga pisnge ko kaya nagsagi ang aming mga titig.
"Kung hindi man tayo ang magkakatuluyan sa mundong to, sana'y magkatuluyan tayo sa susunod na mga buhay natin, Allyson..." Giit niya at sobrang namumula na yung ilong niya dahil sa pilit niyang pinipigilan ang pagbuhos ng kanyang mga luha.
BINABASA MO ANG
Second Happy Ending [COMPLETED]
RomanceSi Allyson Jane Buenaventura ay lumaki sa isang marangyang pamumuhay. Maganda at desenteng babae dahil nakapag tapos sa isang prestihiyosong paaralan sa New York. Lumaki siyang abot kamay ang lahat ng gusto niya, ngunit ang kagustuhang maikasal at...