(Allyson's POV.)
"This is your change ma'am have a nice day." Pagbati sa akin nung cashier na nasa jollibee drive thru sabay abot nung sukli ko.
"Thank you and God bless." Nakangiting tugon ko sa kanya bago ko isarado yung bintana ng kotse.
"Is everything ready?" Pagtatanong ni Fabian na akmang papaandarin na yung kotse.
"We have the foods already so yeah." Giit ko habang chini-check ko yung inorder naming jolly spaghetti, burgers at drinks.
Umorder kami ng 70 boxes of spaghetti, burgers and cola para may ma i-share si Kieferson sa mga bata sa bahay ampunan na pupuntahan namin ngayong araw.
Sa sobrang pagka excited niyang makita silang lahat, ay inipon din niya yung mga laruan niyang hindi na niya nalalaro ngayon. Tatlong malalaking kahon na punong puno ng mga laruan yung nasa trunk ng kotse at ipapamigay niya daw iyon lahat sa mga kapwa bata niya.
Hindi ko na lamang lubos maisip kung gaano ka-swerte si Arriane at Liam dahil si Kieferson yung naging anak nila. Kieferson is sweet and a smart kid. The love for humanity and nature always runs in his blood. Talagang napakabait na bata at kagigiliwan mong makasama.
Mabuti na lamang ay may alam na orphanage home si Fabian at kakilala niya ang mga paring namamahala doon kaya hindi kami nagkaroon ng malaking aberya o problema sa paghahanap ng bahay ampunan.
"Are you now excited, Kiefer?" Pagtatanong ko kay Kieferson na nakaupo sa back seat ng kotse.
"YES! I know this day will going to be a blast!" Masayang giit niya na hindi maitago yung kasiyahang mababakas mo sa mukha niya.
"That's good to know sweetheart. Mabuti na lamang at may alam kang orphanage home, Fabian." Giit ko nung lingunin ko si Fabian na tahimik lang habang nagmamaneho
"Matagal ko ng binibisita yung bahay ampunan na yun. Dalawang taon na siguro." Pagkukuwento niya.
"Really? Bat bumibisita ka sa bahay ampunan?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Bawal ba?" Balik niyang tanong sakin tapos ay napa iling iling na lamang ako.
"No. I just want to know." Pagkikibit balikat na sabi ko.
"Don't tell me you are planning to adopt-" Magbibiro pa lang sana ako nung bigla niya akong binara.
"What if I am?" Pagtatanong niya at saglit na lumingon sakin.
"You are? Why?" Pagtatanong ko.
"It is not as if you can't have kids that's why I asked." Dagdag ko pa.
"Wala na akong planong mag-asawa pa. That's why I once planned to adopt." He said.
"Bakit wala ka ng planong magpakasal uli? You are still young and you can take your time to find someone whom you want to marry-" Dumadaldal pa lamang ako nung bigla siyang magsalita.
"I already found someone I want to marry, Allyson. She's no other than you." Sagot niyang napaghinto sakin sa pagsasalita.
"But lost you. At maling mali ako sa part na pinakawalan pa kita." Dagdag pa niya sabay tinitigan ako sa mata.
Naramdaman ko yung panlalambot nung mga tuhod ko dahil sa mga salitang hindi ko inaasahang maririnig ko mula sa kanya. Bago pa man mamula ang mga pisngi ko sa harap niya, ay agad agad akong nagpaypay ng sarili at binuksan ang bintana.
"Ho! Mas presko ang hangin pag nakabukas ang bintana noh? Tanaw na tanaw mo rin yung view mula rito." Biglang pagpapalit ko ng topic sabay napatitig sa kanya.
BINABASA MO ANG
Second Happy Ending [COMPLETED]
RomanceSi Allyson Jane Buenaventura ay lumaki sa isang marangyang pamumuhay. Maganda at desenteng babae dahil nakapag tapos sa isang prestihiyosong paaralan sa New York. Lumaki siyang abot kamay ang lahat ng gusto niya, ngunit ang kagustuhang maikasal at...