CHAPTER 6

939 54 21
                                    

(Allyson's POV.)

"Nana. Nana wake up." Nagising ako dahil sa boses ni Kieferson habang niyuyugyog niya yung braso ko.

"Wake up nana. My birthday is in three days. Are we not going to make a plan?" Aniya habang niyuyugyog parin ako.

Nang dumilat ako ay nagitla ako sa sobrang gulat nung makita ko sa aking tabi si Fabian na kanina pa pala ako pinagmamasdan habang natutulog.

"Magandang umaga." Bati ni Fabian na nakingiti sakin.

"Pero mas maganda ka parin sa umaga yieeee HAHAHA!" Biglaang banat niya sabay ngumisi ng nakakaloko.

Agad agad ay napabalikwas mula sa aking pagkakahiga na masamang masama ang titig sa kanya.

"And what are you doing here?! Kuwarto ko to kaya hindi ka pwedi rito." Pagtataray ko sa kanya.

"Bahay parin to ng kapatid ko. So practically speaking, bahay ko rin to." Pagsagot pa nito habang nakangisi at halatang iniinis lang ako.

"Ugh! Whatever! Abogado ka diba? Dapat alam mong trespassing itong ginagawa mo." Giit ko at tumayo para buksan ang pinto.

"Get out." Utos ko sa kanya habang matalim ang pagkakatitig sa kanyang mga mata.

"Fine. Fine. Ito naman ang aga aga ang init na ng dugo mo sakin. Kung trespassing ako, edi trespassing din si Kiefer HAHAHA! Siya naman tong humila sakin papasok dito sa kuwarto mo." Aniya.

"Syempre si Kiefer welcome na welcome dito sa kuwarto ko. Maliban lang sayo." Giit ko.

"Lalayas ka? O itutulak kita palabas ng pinto?" Pagtatanong kong nakataas ang isang kilay ko.

Tumayo siya pero nakangisi siya habang malayang pinagmamasdan yung mukha ko.

"Bago mo ako itulak palabas, hindi ba mas magandang takpan mo muna yung dalawang kabuteng kanina pa gising?" Aniya habang nakangisi ng sobrang nakakaloko sa harap ko.

"Kabute? Anong-" magtatanong pa sana ako, pero ngumuso siya sa dereksyon ng dibdib ko.

Nang maibaba ko ang aking titig ay nanlaki ng sobra yung mga mata ko nung maalala kong wala nga pala akong suot na bra! Oh shit bakat na bakat yung nipples na hindi dapat bumakat.

Agad agad kong tinakpan yung magkabilang dibdib ko habang napapakagat labi sa sobrang pagkapahiya sa harap niya.

"Is this yours, baby girl?" Pagtatanong niya sabay ipinakita sa akin yung bra ko na hawak na pala niya.

Halatang halata sa mga ngisi niya na talagang tinutukso niya talaga ako para inisin.

"P-paanong- ugh! Akin na yan!" Galit na sigaw ko at nung akmang aagawin ko sa kanya yung bra ay itinaas lamang niya ito.

"Bra mo ba to?" Panunuksong tanong pa niya.

"Ugh! Gago. Alangan namang sayo diba?" Inis na sigaw ko habang inaabot yung bra na hawak niya.

"Sayo to? Owws? E baby bra kaya to oh." Panunukso pa niya habang pulang pula na sa kakatawa sakin at iwinawagayway pa niya yung bra ko sa ere na parang watawat.

Second Happy Ending [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon