(Allyson's POV.)
"Kiefer, pantay na ba? Tignan mo nga sa baba." Narinig kong utos ni Fabian sa bata habang ikinakabit niya yung malaking parihabang sinulatan nila ng salitang 'treehouse.'
"PANTAY NA! Pantay na po!" Giit nung bata na napapa thumbs up pa sa uncle niya.
Nang marinig iyon ni Fabian ay agad niya itong ikinabit upang hindi na matanggal ang pagkakadikit nito sa maliit na treehouse na itinayo namin.
Ilang araw din naming pinagpuyatan yung treehouse na request ni Kiefer sakin pero mabuti na lamang at naging madali lang ang trabaho dahil tinulungan kami ng uncle niya.
"Wow naman kunting ayos na lang ay matatapos na natin yung treehouse ah." Nakangiting sambit ko noong pagdalhan ko sila ng snack sabay lapag ng tray na hawak ko sa lamesa sa garden.
"Yep! And I can't wait anymore nana." Bakas ko sa excitement nung bata yung saya niya na matapos na yung pagpapatayo nung treehouse niya.
Pwedeng pwede niya itong tambayaan sa tuwing wala siyang ginagawa, o kung gusto lang niyang magstar gazing dahil tanaw na tanaw niya mula sa itaas yung mga butuin sa langit na gusto niyang pagmasdan.
"I know, sweetheart. But before that, come here and I'm going to wipe your sweat first. Kanina ka pa nagpapawis diyan. Ang asim asim mo na siguro ano?" Pagtatanong ko sa kanya sabay dampot ng malinis na bimpo na ipinatong ko sa balikat ko.
Agad naman itong lumapit sakin at tinanggal ko na yung damit niyang pinagpawisan na niya ng sobra.
"Hindi kaya ako maasim." Nakabusangot na giit niya kaya natawa ako.
"Talaga? sige nga paamoy nga ako kili-kili powers nak.
*sniff* *sniff* HALA! maasim na nga! HAHAHA" Pabirong tawa ko tapos ay tumawa din siya na tila ba nahihiya."Pwede ka ng isahog sa paksiw natin mamayang gabi HAHAHA!" Panunukso pa ni Fabian noong makababa na siya at lumapit samin.
"DADA!!" Sigaw ni Kiefer sabay binigyan siya ng isang matalim na titig kaya natawa na lamang ako.
"Juice oh." Maikling giit ko sabay inabutan ng maiinom si Fabian.
Nang magkatitigan kaming dalawa sa mata, ay agad uminit yung magkabilang mga pisnge ko kaya umilag agad ako ng titig nang di na niya mapansin yung pamumula ko. Pero nagkamali ako.
"Namumula ka ba?" Pagtatanong niya at nung ilapit niya yung mukha niya sa akin ay na estatwa ako sa kinakatayuan ko.
"H-ha? d-di ah... Nainitan lang siguro ako." Pagde-deny ko sabay layo
"Nainitan ka? o nag-iinit ka sakin? HAHAHAHA!" Nang bigla siyang bumanat gaya ng karaniwan niyang ginagawa upang biruin ako, ay naparolled eyes na lamang ako sabay natawa.
"Luh parang tanga. Pero namiss ko yan." Pinipilit ko pa yung sarili ko na huwag mapangiti ng sobra nung sabihin ko iyon.
"Namiss moko?" Nakangiting tanong niya sabay ininom yung juice na tinimpla ko pa.
"Hindi ikaw. Yung mga banat mo."
"Akala ko ba jologs mga banat ko? Tapos mamimiss mo rin pala HAHAHA!" Tawa niya.
Magmula noong mga araw na nagkabangayan kami, ay iniwasan ko na siya. Pero nung araw na aminin niya sakin ang totoong dahilan ng kanyang hindi pagsipot sa araw ng kasal, ay naglaho bigla yung lahat ng galit at puot na inipon ko sa puso ko ng napakahabang panahon.
Napalitan ng awa yung galit na nararamdaman ko para sa kanya. He never cheated on me and he stayed so faithful when we were still together. That is why I realized that there is no point on hating him anymore.
BINABASA MO ANG
Second Happy Ending [COMPLETED]
RomanceSi Allyson Jane Buenaventura ay lumaki sa isang marangyang pamumuhay. Maganda at desenteng babae dahil nakapag tapos sa isang prestihiyosong paaralan sa New York. Lumaki siyang abot kamay ang lahat ng gusto niya, ngunit ang kagustuhang maikasal at...