CHAPTER 12

6 2 0
                                    

KAIZER's POV;

After namin mag snorkeling bumalik na agad kami sa resort nila nikolo dahil 10 am na masyado ng mainit sa dagat.

Kakain na kami ngayon ng nasa dahon ng saging kaso yung iba naliligo pa.
" Hala ! Ang sarap !" Napatingin ako sa kakadating lang na si lisha basa pa ang buhok.

Lumapit siya sa may lamesa at sinilip yung mga pagkain na andun. Meron kasing hipon, inihaw na manok, inihaw na tilapia, pusit, tahong, itlog na maalat pati pakwan meron din syiempre nasa gitna nito yung kanin.

" Tagal naman nila " pagrereklamo niya habang busy kakapindot sa cellphone niya.

" Bilang lang kasi cr dito kaya siguro natagalan " sabi ko sakanya at naupo din sa katabi niyang upuan pero meron na table sa gitna namin.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag scroll scroll sa IG.
" Kaizer pwede koba iupload to ? Maganda ba ?" Pagpapakita niya saken ng picture niya kanina sa banul beach na naka swimwear.
Ay anak ng pating !

Tinignan kong maigi yung picture .
" Ang ganda " sagot ko sakanya habang nakatutok parin ang mata ko sa phone niya.

" Huh?" Takang tanong niya. Napatingin naman ako sakanya. Shit ! Ano ba nasabi ko ?
" Ahh ano sabi ko maganda yung pakakuha oo pwede mong ipost " pagpapalusot ko. Inilayo niya na yung phone niya at tumango tango naman ng nakangiti.

Hayys ! Ano bayun na sinagot ko tsk !
Pero langhiya ang ganda niya dun .

" Woooah grabe gutum na ako !" Napatingin ako sa boses na narinig ko. At  nakita ko doon si Evo na kasama na sila shanny pati rin yung mga kaibigan ko.

" Buti naman nagsibabaan pa kayo taena mamamatay na ako sa gutum " pagrereklamo ko sakanila.

" Hahaha lagi ka naman gutum ei. Ohh siya tara na " dahil sa sinabi ni kier


Nagsimula na kaming magsikain. Nakakamay kaming lahat since nasa dahon kami kumakain ngayon.
" Hoy akin yan na manok !" Sigaw bigla ni shanny kay ronnie.


" Anak ng tinola naman kayong dalawa ayan oh madaming manok " pagsesermon sakanila ni migz. Hahaha yan kasi.


" Paano ba naman kinuha niya din yung hipon ko " nakanguso pa si ronnie habang nagsasalita.

" Ang sagwa pre amputik hahaha " natatawang pang iinis ko sakanya.

" Ulol ikaw nga kamuka motong hipon ei hahahahaha " aba ! Foul yun ahh !


" nag away pa pareho naman kayo mukang isda " pang aasar ni yasser saamin. Kingina to !

" Hahahahahahaha " nagsitawanan naman sila.





EVO's POV;

After namin kumain nagkanya kanya ng pwesto ang bawat isa. Yung iba natutulog yung iba nagmomovie at yung iba nag lalaro ng board games.


And me gusto kong matulog pero dahil basa pa ang buhok ko hindi pa pwede kaya lumabas nalang ako ng bahay.


Andito ako sa may parang veranda sa labas at may duyan na nakalagay. Naupo ako doon habang pinupunasan ko yung buhok ko.

Nakayuko ako habang pinupunasan ko yung buhok ko ng maramdaman kong parang may umupo sa duyan kaya napatingin ako.

" Want some ice cream ?" Tanong saken ni kier habang hawak niya yung dalawang ice cream na nasa baso. Kinuha ko naman yun gutum ako ei.

" Thanks " sumubo ako sa ice cream at ipinatong ito sa lamesa sa gilid ng duyan.

Napatingin ako sa katabi ko " So bakit ka andito ? Kukulitin mo nanaman ako about kay margox nuh ?" Pagtataray ko sakanya na ikinatawa niya lang.

Hala ang pogi ! Teka ? Anong sinabi ko ?


" Hahahaha grabe ka naman saken. Hindi nuh medyo maingay sa loob kaya lumabas ako tapos sakto nakita kita " pag eexplain niya habang kumakain ng ice cream.

" Sus pero matanong kita anong nagustuhan mo kay margox ?" Nakita kopa siyang mamula kaya hinampas ko siya sa braso.

" hey ! Para saan yun ?!" Sigaw niya saken habang hinihimas yung pinalo ko.

" Hahaha para ka kasing timang. Tinanong lang namula na agad. Anak ng kamote ka inlove na inlove dude ?" Pang aasar ko sakanya.



Nagpupunas ako ng aking buhok ng magsalita siya " Ewan ko nagandahan ako sakanya nung birthday ng pinsan mo tapos ang cool niya tignan "


Napatigil ako sa aking ginagawa sa narinig ko " Nagandahan ? Well maganda naman talaga siya pero sige tutulungaj kita sakanya " at pinagpatuloy kona yung ginagawa ko.


" Ano bayan ! Kanina kapa dyan sa buhok mo. Ako na nga " at inagaw niya yung maliit na towel at siya na yung nagpupunas ng buhok ko.


" Aray ! Dahan dahan naman . Anak ka ng pating kapag ako nakalbo sisipain kita " pagrereklamo ko dahil kulang nalang sabunutan niya ako.


" Hahahaha malay koba hindi naman kasi ganito kahaba buhok ko " natatawa niyang sagot. Kinuha ko naman yung ice cream sa lamesa at kumain.


Tumigil ako sa pagkain ng may maalala ako " So ano ng plano mo ngayon ?" Tanong ko sakanya. Nagulat naman ako ng mula sa likod ko tumingin siya sa muka ko kaya napaka lapit ng muka niya dude .

Shit ! Ang pogi .


I blink twice dahil 1 inch nalang ang pagitsn namin na dalawa " L-lumayo ka nga ! Lapit ng mukha mo naduduling ako "

" Hahahaha hmmm may naisip na ako pero syiempre tutulungan ako ng bestfriend ko, diba ibon ?" Nakangiti niyang sabi saken.

Ang weird ng nafefeel ko amputiks.


" Ibon mo mukha mo ! Lilibre moko syiempre hahaha " at inagaw ko yung towel sakanya.

Kinuha ko naman yung suklay " ohh ayan suklayan mopa ako at kakain ako ng ice cream " nakita kopa na kumunot ang kanyang nuo.


" Hoy abuso kana ahh ! " reklamo niya pero sinusuklayan niya naman ako .
Natawa nalang ako sa ginagawa niya.


" Hoy dahan dahanin mo ! Mahal yan na buhok ko " sigaw ko sakanya ng hilahin niya yung suklay pababa.


" Tsk ! Kasalanan koba na matigas tong buhok mo ? Magpakalbo kana lang kaya para hindi kana nagsusuklay " hunarap naman ako sakanya.


" Kung ikaw kalbuhin ko gusto mo ? Ayusin mo kasi pagsusuklay with feelings dapat " at tinalikuran kona siya ulit.


" may pa feelings feelings kapang nalalaman. " at nagpatuloy na siya sa pagsusuklay sa buhok ko.


Bumukas naman yung pintuan " Hoy ! Sigawan kayo ng sigawan dyan ang lapit lapit niyo lang naman ! Hindi na namin naiintindihan yung pinapanuod dahil sa bibig niyo " pagsesermon samin ni nikolo na nakasilip sa may pintuan.


" Ito kasi !" Turo ko kay kier sa likod ko.

" Hoy anong ako ? Ito kasi si ibon !" Sigaw din pabalik ni kier saken.


Napakamot naman sa buhok si nikolo " bahala kayo dyan !" At pumasok na ulit sa loob. Nagkatinginan naman kami ni kier at biglang natawa.

" hahahahahaha "

Hays ang weird talaga. Bwisit .



A/N:
Sorry if late ako mag update busy lang po nitong mga nakaraan. :)

AGAIN'sT OF MY WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon