CHAPTER 15

4 2 0
                                    

SKY's POV;

" Ilan ang itatapon mo yass ?" Tanong ko sakanya habang lahat kami umahon sa pool. It's 7 pm na ng gabi pero ito kami nagkakasayahan. Nagluto kami ng kung ano anong pagkain at nag ihaw din.

Napatingin naman saken si yass bago nagsalita " Maghahagis ako ng mga sa 50 na barya padamihan tayo ng makukuha ang may pinaka konting nakuha o walang nakuha ay may punishment " nakangiti niyang sambit.

" Gago ka ayusin mo punishment mo ipapaubos ko sayo tong laman ng pool " pagbabanta sakanya ni nikkolo kaya nagsitawanan kami.


" Hahaha king ina parang kasalanan kopa ngayon ahh " Pagrereklamo ni yass . Hahaha kawawang yasser.

" Ohh dali bilis tapon na !" Sigaw ni kaizer kaya nagsimula na Siyang magtapon ng barya. Nang maubos niya na ito sumigaw ako ng " ready go !" At ayun nga paunahan na kami magsisid sa pool.

Maliwanag naman siya dahil maraming ilaw at yung ilalim ng pool ay may ilaw din kaya kitang kita namin ang ilalim.

Bago pa ako matalo sa laro nagdive din ako at naghanap ng mga barya pero sa paghahanap ko iba nakita ko mga tsong !


Anak ka nga naman ng tinola oh ! May pwet tol ! Tol may pwet ! Bago kopa makurot kung kaninong pwet yung nakita ko lumayo na ako ng landas at pilit na kinakalimutan yung nakita ko.


Nang mawalan na ako ng hangin umahon na ako at naupo sa may hagdan ng pool.
" Wooah ! Letcheng pwet yun " bulong ko sa sarili ko habang sinusuklay ko yung buhok ko gamit yung kamay ko.



" Hoy akin yan ! " nagulat ako sa sigaw ni khiana na naglalakad paalis ng pool.

" Ako kaya unang nakakita doon ! Naunahan mo lang akong kunin. Nasayo na nga nagrereklamo kapa" Sigaw din pabalik ni migz. Anak ng kamote to si migz pinatulan pa yung babae.


" Tse bahala ka sa buhay mo " pagtataray sakanya ni khiana bago tuluyang umahon sa pool.


" Hahahaha king ina tol dahil sa barya nakipag away ka hahahaha " pang aasar ko sakanya tinignan niya naman ako ng masama " Ulol "



" Langhiya nabusog ako ng tubig sa pool " pagrereklamo ni nikolo na kakaahon lang din.


" Sino ba naman kasi may sabi sayo na inumin mo yung tubig sa pool hahahaha bobo kadin ei " saad ko kay nikolo habang nagbibilang ng hawak niyang barya.



" Ikaw kaya apakan at banggain sa ilalim ng pool kung hindi ka makainum . " naiinis na sabi nito at sinuklay din ang buhok gamit ang kanyang kamay.



" Tara na sa kubo ! Magbilang na tayo " sigaw ko sakanila at tumayo na ako para pumuntang kubo.

****************




After ng punishment kanina andito na kami sa kubo para kumain dahil lahat kami gutum na gutum na.


Alam niyo ba yung punishment kanina ? Ipag iihaw nila yung mga nanalo hahahaha diba instant yaya. Kasama ako doon sa nanalo kaya ang saya saya ko. Kami nila kier,ronnie,yasser,khiana,yhana,lisha at shanny yung nanalo samantalang sila evo,migz,grizze,nikolo, margox at kaizer ang mga natalo hahaha kaya ayun sila taga ihaw namin.



" Sky paabot nga ako nung pakwan salamat " nagulat ako sa boses na nagsalita sa gilid ko.

Napatingin ako sakanya " huh ? Ahh oo sige " nagugulat kong sagot sakanya at inabot ko naman sakanya yung pakwan.


AGAIN'sT OF MY WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon