CHAPTER 27: SMILE

2K 64 0
                                    


Buong araw akong hindi lumabas ng guest room.

Pinalipat ko sa mga katulong kagabi ang mga gamit ko dito,pati yung Mangosteen ko at Mansanas.

Buong araw din akong umiyak ng umiyak.

Na ubos na lahat ng tissue ko kakapahid sa mga luha ko. Sinubukan akong kausapin ng lima pero hindi ko sila pinag buksan ng pinto.

Ang sama sama talaga ng loob ko at sinisipon na din ako kakaiyak.

Bumangon ulit ako ng bigla na naman akong nasuka,nag hilamos ako ng mukha at tinitigan ang repleksyon ko sa salamin.

Gulo-gulo ang buhok ko, na mumula ang ilong at namamaga ang mata ko.

Ang pangit kung tingnan. Umalis nalang ako sa banyo at bumalik sa kama.

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan sa Skype si Percy. Agad naman niya itong sinagot

"Hala! Nhala?! ikaw ba yan?!"tili ng bakla,tumango naman ako.

"Gaga!hindi kita nakilala agad! bakit namamaga yang mata mo?!"tanong niya

"K-asi, u-miyak a-ko!"sagot ko sabay hagulhol.

"Ay! ano ba yan, sinaktan kaba ng asawa mo!? aba! tarantado yang lalakeng yan ah!"sagot niya

Nag paliwanag naman ako kung bakit hindi ako naka contact sa kanya ng ilang bwan. Tapus ikinuwento ko sa kanya ang mga nangyari, pero habang nag ku kwento ako panay padin ang hagulhol k. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na nagiging emotional na ako.

"Nakakainis yang asawa mo ah!magiging sweet tapus ng naisuko mo na  ang Cagayan gaganyanin kapa!" sigaw niya.

"G-inusto ko naman ang nangyari. M--mahal na mahal ko k-asi siya" sagot ko

"Tama na yang iyak sissy, na iiyak na din kasi ako eh"sagot niya

"H-indi ko kasi mapigilan, ang samasama kasi talaga ng loob ko" sagot ko sabay kagat sa mansanas na hawak ko.

"Ano ba ya Nhala! wala bang hinog na mansanas jan sa Ref nyo?! bakit green yang kinakain mo?!" tanong niya

"M-as masarap ka-si to, gusto mo ba?madami pa dito" sagot ko sabay pakita sa kanya ng mga mansanas na nakakalat sa kama ko

"Ay! ayaw ko nga! ang asim kaya niyan!"sagot niya

"Hindi kaya, ang sarap nga eh"sagot ko sabay kagat sa mansanas.

Napangiwi naman siya.

"Ang baboy mong kumain"saway niya sakin.

"Bakla ilang beses kayong nag *toot* ng asawa mo?" tanong sakin ni Percy.

"H-ah? b-akit mo naman tinatanong?" sagot ko.

"Masama bang mag tanong?"sagot niya.

"Hindi, gusto mo isalaysay ko sayo?"tanong ko
"Yakkss! hindi na no! hindi ako intresado. Ang tinatanong ko,ilang beses nyong ginawa yun?" tanong niya ulit.

"M-adami" sagot ko sabay kagat sa mansanas.

"Grabe ka sa "madami" ah!! haha! pero may proteksyon ba kayo ng ginawa nyo yun?" tanong niya

"Anong proteksyon ba? may ganun ba?"tanong ko

"Abat! Oo naman! teka!! wag mong sabihing wala!!" sigaw niya, umiling naman ako.

"Kailan ka huling dinatnan?!" tanong niya habang nanlalaki ang mata.

Napaisip naman ako agad kung binilang yun sa mga daliri ko,huling beses akong dinatnan nung nakaraang buwan pa.

MY HUSBAND IS A MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon