CHAPTER 47: LOVE IS?

1.8K 60 1
                                    

Buong gabi kaming hindi nag pansinan ni Naigel.

Pagkatapus kung umiyak kagabi nakatulog nalang ako.

Kanina naman pag gising ko wala na siya sa tabi ko.

Nalungkot ako subra.

Kadalasan kasi pag may problema kaming dalawa pinag-uusapan at inaayos kaagad namin iyon, pero ngayon feeling ko wala na akong kwenta.

Buong gabi ko ding inisip kung may nagawa ba akong mali.

Bakit siya nag kakaganun??

Tapus pag nag iisip ako ang mga pweding dahilan kung bakit siya nagiging cold sakin na iiyak nalang ako.

Pano pag nag sawa na pala sa akin si Naigel?.

Pano pag na isip niya na wala akong silbi sa kanya?

Simula kasi nang ma aksindente ako hindi ko na siya na aalagaan.

Hindi ko na siya napag sisilbihan.

Hindi ko na siya magawang ipag luto.

Ang sakit sakit sa dibdib, yung feeling na gustong gusto mo siyang asikasuhin pero hindi mo magawa?.

Ni hindi ko nga kayang asikasuhin ang sarili ko.

Na aalala ko pa dati ang sinabi sa akin ni Mommy, na bilang asawa ay obligasyon mong pagsilbihan at alagaan ang asawa mo.

Pero sa sitwasyon ko?,

Si Naigel pa ang nag aalaga sa akin.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin ngayon na nagiging pabigat na ako kay Naigel.

Iniisip ko din na baka dahil dito sa sitwasyon ko.

Baka makahanap si Naigel nang iba, yung tipong ma aalagaan siya.

Yung tipong ma aasikaso siya nang ma ayos.

Mapag silbihan siya, yun na nga siguro ang nangyayari sa amin ngayon.

Siguro kung hindi lang ako buntis.

Baka nakipag divorce na siya sakin.

Baka hiniwalayan na niya ako.

Agad namang nagsi tuluan ang mga luha ko.

Hindi ko kakayanin, hindi ko kakayanin pag iniwan ako ni Naigel.

"Ma'am Nhala, okay lang po ba kayo?" Tanong sa akin ni Manang.

Nag punas naman ka agad ako ng luha.

"O-okay l-ng po ako Manang" Sagot ko

"Naku Ma'am pareho po kayo nang sagot ni Sir" Sagot niya.

Natigilan naman ako.

Pareho kami nang sagot??

"A-nong ibig mong sabihin M-anang?" Tanong ko

"Na datnan ko po kasing umiiyak si Sir kagabi. Dito po sa sala" Sagot niya.

"H-ah? u-umiiyak? si Sir mo?" Gulat kung tanong.

Nakakapag tataka na man. Sa anong dahilan???

"Opo Ma'am" Sagot niya.

"S-igurado ka M-anang?" Tanong ko.

"Oo naman po Ma'am, naka yuko po kasi siya. Tapus narinig ko po yung hikbi niya. Tinanong ko nga po kung okay lang ba siya, tapus sabi niya okay naman daw po siya" Sagot niya.

Gulat na gulat padin ako.

Umiiyak siya?

Ano ba kasing problema?

MY HUSBAND IS A MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon