CHAPTER 8: JUICE

2.6K 79 0
                                    

NHALA'S POV

Pagkatapus kung gawin ang Orange juice.

Nilagay ko na sa malaking bowl ang popcorn, pagkatapus non nilagyan ko agad ng lason! hehe charoott lang.

Gamot pampatulog lang, hinalo ko yun sa Juice ng mabuti.

Nang matapos na ako, dinala ko na yon sa sala, nang makita nila ako.

Tumayo naman silang tatlo at tinulungan ako sa mga dala ko.

"Nag sisimula naba?" tanong ko

"Ayan na po Ma'am" sagot ni Xander

Umupo naman ako sa tabi ni Kriss.

Sumubo agad ako ng popcorn, habang sila naman naka tuon lang sa Movie ang atensyon nila.

"Orange juice ninyo oh, masarap yan" sabi ko habang naka ngiti.

"Mukha nga pong masarap Ma'am, ang tingkad ng kulay eh" Liam

"Oo naman! tikman nyo" alok ko sa kanila.

Tinikman naman nila yun!!hehehe!!

"Bat tubig lang po sa Inyo Ma'am?" tanong ni Kriss ng mapansin niya ang basong hawak ko.

"Allergic kasi ako sa Orange juice eh" pag sisinungaling ko.

"Ah, ganun ba" sagot niya.

Tumango naman ako at binalik na ag atensyon ko sa panonood.

Makalipas ang ilang minuto, panay na ang pag inom nila ng juice.

Napangisi naman ako.

sige lang!!!

Nang makatulog kayo ng mahimbing.

"Masarap po itong gawa ninyo Ma'am Nhala, pero parang ina antok ako eh" Liam

"Haayy! ako nga din po Ma'am, sarap matulog" Kriss

"Ah,talaga? dahil siguro yan sa nilagay ko" sagot ko na parang ng iisip.

"A-no naman pong nilagay ninyo Ma'am?" tanong ni Xander habang papikit pikit ang mata.

"Ah! wala! gamot pampatulog lang" sagot ko sabay ngisi sa kanila.

Nagkatinginan naman silang tatlo

"SHIT!!" sabay sabay nilang mura.

"Oo,"SHIT" talaga, pero wag kayong mag alala, babalik din naman ako kaag-----------

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko, dahil sabay sabay silang bumagsak sa sahig, naku!

Buti nalang may carpet itong sahig ni Naigel!

Tumayo agad ako at pinagpag ang damit ko.

Nag lakad ako malapit sa bintana, pasimple kung sinilip ang mga Men in Black sa labas.

Puta lang!!!

Ba't mas dumami pa sila?! kani kanina lang nasa bente palang sila ah!ba't ngayong mukhang nasa sengkwenta na?!!

Naigel naman eh!! nakakainis ka!! 

Agad kung pinag planohan kung pano maka alis nang makabuo na ako ng plano.

Agad akong tumakbo sa taas at nag punta sa kwarto ko.

Pagkatapos kong mag bihis, bumaba naman ako.

Tulog padin ang tatlo, agad akong nag punta sa likod ng mansion.

Ito ang pinakamalapit na daan sa pader, dito ako laging dumadaan sa tuwing tumatakas ako.

MY HUSBAND IS A MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon