CHAPTER 29: I DONT...

2.2K 66 1
                                    


2 WEEKS LATER 

Tahimik akong nag babasa ng magazine dito sa Garden sa bahay namin.

Umuwi na kasi ako dito sa bahay nila Mom at Dad. Lahat naman ng mga gamit ko dinala ko na dito. Ilang beses akong pinigilan ni Naigel pero hindi ako nakinig sa kanya.

Ayaw niya akong umalis sa bahay nila kasi pinag bubuntis ko daw ang anak niya.

So sinabi ko sa kanya na ayaw kung ma stress ang anak ko at baka magaya pa sa kapangitan ng kabit niya ang baby ko.

Ibinahay na kasi niya si Venus kasi maselan daw ang pag bubuntis nito. Tutol sila Mama at Papa pero wala din silang nagawa.

Umuwi nga ng Italy si Mama at Papa, habang si Naivel naman bumili ng Condominium unit malapit dito sa lugar namin. Palagi nga siyang dumadalaw dito.

Well gustong gusto ko naman yun kasi hinahanap hanap ko ang Caramel niyang amoy. 

Mom and Dad never asked me. Wala silang tinatanong sakin tungkol sa ginawa ni Naigel.

I'm glad naman kasi ayaw ko na ding pag usapan pa yun.

Pag dating ko lang dito. They hug me tight at sinabing handa nilang suportahan ang lahat ng desisyong gagawin ko.

They're both happy kasi sa wakas daw mag kaka apo na sila. So far, ok naman ang pag bubuntis ko. Every week, sinasamahan ako ni Mommy sa OB ko para ipa check ang kalagayan ng baby ko and very thankful na healthy ang baby ko at malakas ang kapit.

"Hindi ba sumasakit ang mata mo kaka basa ng mga magazines nayan?" tanong sakin ni Naivel.

"May dala kang pagkain?" tanong ko habang naka focus padin sa binabasa ko.

"Wala" sagot niya

"The gate is open, you can leave"sabi ko

"Grabe ka sakin Lala ang bad mo, pagkain lang lagi ang habol mo sakin" sagot niya

Napalingon naman ako sa kanya. Namilog agad ang mata ko ng makita ko ang mga bitbit niya. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hinablot ko yung dala niyang pagkain at hinalungkat yun.

"Wow! just wow! wala manlang "Thank you Naivel" jan?" tanong niya

Ngumiti naman ako at sinubo ang isang slice ng Caramel Cake na dala niya.

"Ansarap!😍Thank you Naivel! ^_^ ang bait mo talaga! ang gwapo pa!" sabi ko.

XANDER'S POV;

"Xander! ibili niyo nga ako ng mangga. I'm craving for mangoes eh" sabi ng ma arteng si Venus.

"Ah, sa maids mo iutos yan. Busy ako"sagot ko

"Busy din ang mga maids! at isa pa!wala ka namang ginagawa jan eh! bilis na!" sigaw niya

Sinamaan ko nalang siya ng tingin. Napka pangit talaga ng ugali ng babaeng to.Simula ng ini uwi siya ni Boss dito

Which ginawa na niya kaming utusan!!

Wala namang sinabi si Boss na sundin namin siya! Pero pinag bibigyan na namin kasi ng buntis!

Nakakainis! sarap bigwasan eh! inabot na niya sakin ang pera. Tatangapin ko na sana yun ng may biglang nag salita.

"Hindi sila utusan dito, are you craving for something to eat? bakit hindi ikaw ang bumili?" tanong ng mala anghel na boses.

Napalingon agad ako sa pintuan at nanlaki naman ang mata ko ng makita ko si Bea na may bitbit na maleta. Nakataas ang kilay niya habang nakatitig kay Venus.

MY HUSBAND IS A MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon