CHAPTER 18: RIGHT TIME

2.7K 79 0
                                    

Habang nag da drive siya nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse niya.

Sa totoo lang masama talaga ang loob ko sa kanya.

Ang sakit naman kasi ng mga sinabi niya sakin, pero kanina nung biglang kumalma ang boses niya at nagsabi siya ng "Please wag ka munang makipagtalo sakin" na awa ako bigla.

Halata kasi sa mukha niya na pagod siya, parang hindi siya nakatulog buong mag damag dahil na naman sa work siguro.

"Shit" mahina niyang mura.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Ano yun?" tanong ko

Hindi naman siya sumagot, may pinindot lang siya na kung ano dun sa Phone niya.

Nahagip naman ng mata ko ang side mirror ng kotse niya, kanina pa yang sasakyan na yan, nakabuntot yata sa amin ni Naigel eh.

"Fasten your seatbelt" sabi niya habang nakakunot ang noo.

"Ayuko nga! hindi ako komportable!" sagot ko.

Totoo naman kasi, pag nag da drive ako hindi ko kinakabit yung seatbelt ko, ewan ko ba hindi ako komportable eh.

"Now Nhala!!" sigaw niya

"Ayuko nga kasi!! ang kulit mo naman eh!" reklamo ko.

Nagulat naman ako ng bigla niyang tinangal ang seatbelt niya at nilapit sakin ang mukha niya, napakagat labi ako bigla.

Ang gwapo niya talaga sa malapitan, pero galit ako dapat!

"A-ko na! kaya ko naman eh!" sabi ko.

Ikinabit ko naman ang seatbelt ko at sinamaan siya ng tingin.

Bumalik naman siya sa pagkakaupo at kinabit ang seatbelt niya.

Napakapit naman ako sa upuan ko ng bigla siyang nag drive ng mabilis!!

Bwesit ka talaga Naigel! sigaw ko sa isip ko.

Nakain ko kasi ang buhok ko! sa subrang bilis ng pag papatakbo niya.

"Cover your head, tapus yumuko ka!" sigaw niya

"W-hat?!! bakit?" tanong ko

"Just do what I said!!!"sigaw niya.

Halata ang pag-aalala sa mukha niya habang nakatitig siya sakin.

Kinabahan naman ako bigla.

BANG! BANG! BANG!

Napasigaw naman ako at agad na yumuko.

I'm covering my head just like what he said.

May bumabaril samin sa likod, hindi ko alam kung anong problema nila.

Abot langit ang kaba ko, at mas nadagdagan pa yun ng makita kung bumunot din ng baril si Naigel.

"S-an mo nakuha yan?" tanong ko habang nakaturo sa baril na hawak niya.

"Don't mind it, please yumuko ka nalang"sabi niya,

Nasa manubela ang isa niyang kamay habang ang isa naman may hawak na baril.

"Gusto ko din niyan" sabi ko

Nanlaki naman ang mga mata niya, halatang nagulat siya sa sinabi ko.

"W-hat? No! you don't even know how to hold it" sabi niya

"Akin na yan! mag drive ka nalang jan" sagot ko sabay hablot sa baril na hawak niya.

"Give it back! Nhala!" sigaw niya, hindi naman ako nakinig.

MY HUSBAND IS A MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon