XANDER'S POV;"Psst" tawag sa akin ni Kriss
"Oh? Ano na naman?" Tanong ko sa kanya habang nakatitig sa salamin.
"Tingnan mo si Boss at Ma'am Nhala" Utos niya sa akin
Napalingon naman ako sa gawi nila Boss.
Sinusubuan ni Ma'am Nhala nang hilaw na sampalok si Boss.
"Sweet sila, ingit ka?" Tanong ko sa kanya.
"No, ang perfect lang nilang tingnan" Sagot niya.
"Perfect naman talaga sila eh, true love ang nararamdaman nila sa isat isa" Sagot ko.
"No, actually hindi sila perfect" sabat naman ni Liam.
Napataas naman ang kilay ko.
Dakilang bitter ang isang to.
"Wala naman kasing Perfect para sayo, ampalaya ka" Sagot ko.
"Meron kaya" Sagot niya sabay ngisi sa akin.
"Sige nga ano naman yon?" Tanong ko
"Yang black eye mo" Sagot niya sabay tawa ng malakas
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
Gago to ah!
"Tigil tigilan mo ako, baka sakalin kita dyan" Sagot ko.
"Ano ba kasing trip mo? Bakit nag pasuntok ka lang sa babaeng yun?" Tanong naman ni Jacob.
"Alangan naman patulan ko? Eh babae yun!" Sagot ko.
"Ang sabihin mo, type mo kaya nag pa suntok ka!" Jake
Napangiti naman ako.
Okay lang magka black eye.
Ang importante nahalikan ko siya.
Ang ganda ganda kasi talaga niya tapus ang pula pa nong labi.
"Tingnan mo, nag iisip na naman ng kahalayan yan" Bulong ni Kriss kay Jacob.
Na dinig na dinig ko naman.
"Oo nga, malamang tumataas na naman ang kalibogan sa katawan niyan tapos naninigas pa" Sagot naman ni Jacob.
"Pervert mode alert" Dagdag nang nakikisawsaw na si Jake.
"Siya na yata ang pinaka manyak na lalaking nakilala ko, nakakadiri" Liam
Sinamaan ko naman sila ng tingin.
"Kung makapag usap kayo para lang akong wala dito ah, bakit kayo?matitino ba kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Ito kasing si Kriss kung anong pinag sasabi! May pa bulong bulong pang nalalaman! Doon ka nga!" Pag tataboy ni Jacob kay Kriss.
"T-eka! ba--" Kriss
"Oo nga, napaka judgemental mo talaga Kriss! Ikaw nga Virgin eh!" Jake
"Bakit ako na naman?!" Kriss
"Magkakaibigan tayo dito Kriss! Wag kang ganyan! Masamang ugali yan!bad yan!" Liam.
"Ganun? Sige mag papa deliver ako ng pizza. Bahala kayo diyan, hindi ko kayo bibigyan" Pananakot naman ni Kriss.
Lumapit naman ako kaagad sa kanya at inakbayan siya.
"Ito naman nag bibiruan lang tayo dito, serious much?" Sabi ko sa kanya
"Joke lang naman yun Kriss!, KJ lang?" Jacob
"Hindi kana nasanay sa amin! Biro lang yun, wag kang Others okay?" Jake
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND IS A MAFIA BOSS
Non-Fiction"If I didn't care I would have left you to die but I care and that's why I'm protecting you." Kaya ba niyang protectahan ang taong mahal na mahal niya? "Please, don't leave me Naigel. My life has been anything but safe." When he decides one day to g...