Chapter 2 [2/7]

485 29 2
                                    

Napatayo ako sa kama at napa-tingin sa paligid. "Shet, totoo ba to?!" kinusot ko pa ang mata ko pero hindi nag-iba ang paligid para itong lumang bedroom at para bang espanyol ang gumawa nito dahil sa mga decorations.

Napatingin ako sa bintana at laking gulat ng makitang may sikat na ng araw eh alas nuwebe pa naman ng gabi. Inikot ko ang paningin at nahanap ang luma pero magandang wall clock at 6:00 am na ng umaga. Whhaatttt??

Lalakad na sana ako palabas ng mapansing naka-suot pala ako ng evening dress na sinusuot ng isang babae pag natutulog. Wait? Babae?

Tinignan ko ang sarili ko at nagulat ng may bukol akong nahawakan sa magka-bilang dibdib ko. Gumapang ang mga palad ko sa mukha ko at naramdamang malambot ito eh hindi naman ako clearskin—napunta ang mga kamay ko sa buhok ko at nagulat ng maging mahaba ito. "Omoooo!!!" sadako ba ako??

Dahan-dahan akong pumunta sa pinaka-malapit na human size mirror at nagulat sa nakita ko.

"Taengna!"

Isang babae ang nasa repleksyon at hindi ako. Nabalot agad ang katawan ko ng takot at dali-dali akong lumabas ng pinto.

"Aaahaahahhhh!!!" mas nadagdagan ang gulat at kaba ko ng makitang hindi ko na bahay ito at ang lawak neto ang grande pero parang sinuang bahay—mas nagulat pa ako ng makitang mas humaba ang hagdan.

"Oh my goodness, watdapak. Anong nangyayari?" natatarantang salita ko habang bumababa ng hagdan. Ng makababa na ako ay may biglang lumitaw na dalawang babae na halos magka-pareha ang damit.

"Magandang araw Binibini!" anila habang naka-yuko.

Nag-iba ang ekspresyon ko sa mukha. "Huh? Binibini? Hindi ako babae ghurl!! Aaaaahhh!!!"

Natatarantang tumakbo ako sa sa pinto na may dalawang pinto katulad ng mga pinto sa isang dormitory at binuksan ito gamit ang dalawa kong kamay. Pag-bukas ko ay isang malakas na hangin ang agad na sumalubong sakin at napa-pikit ako.

Pag-dilat ko ay nakita ko ang malwak ng green space at may isang magandang fountain sa gilid. "San na yung kalsada namin??"

Napatingin pa ako sa paligid at may nakitang ilang tao na-naka Barong-Tagalog at naka-Maria Clara dress. Anong okasyon niyo guys?!

Napatitig ako sa pinang-galingan ko at laking gulat na isa pala itong Mansion—magandang mansion at nawala na yung kyutt na bahay namin.

"Aaaahhhhh!!!" tumaas na naman ang balahibo ko at basta tumakbo na lang.

"Binibini?" may nadaanan akong babae na siyang dumagdag pa sa goosebumps na nararamdaman ko at mas binilisan ko ang pag-takbo.

Putik, so hindi to joke lahat? Hindi to panaginip? TOTOO TO?!

Napunta ako sa isang harden at ang kalmadong ambiance at magandang tanawin neto ang nagpa-kalma sakin. Nandito pala ako sa gilid ng mansiyon. Ang layo pala ng tinakbo ko at umabot ako dito.

Napunta ang mata ko sa taas ng mansiyon at nakita ang isang balkonahe na napapaligiran ng hanging-flowers. At may kung ano sakin na sumasabing dito ako nang-galing. Yung balkonaheng iyon ay koneksyon sa kwarto na pinang-galingan ko kanina nung dumilat ako.

"Impossible!" aniko.
.
.
.
.
.

Please Vote—

Dedicated to: _BoysLoveStories_

Thanks a lot for voting and having the courage to comment! ❤️

I Love You Since 1897 [BOYXBOY] ✅COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon