Chapter 12 [7/19]

184 16 0
                                    

"Ay drabe siya, Nyll agad? May mangliligaw yung anak niyo!" sagot ko sa kanya, mabuti nalang talaga open sila sa lahat ng bagay.

"Pakk!! Gandang-ganda sa sarili!" asar naman ni mama.

"Erfo bah? May kaya bah? Baka mamaya perahan at iwan ka lang?!" dagdag naman ni Delya.

"Wow, nahiya naman ako sa sobrang yaman mo ghurl! Shut-up ka nga, Grade 6 ka pa! Landi nito!" aniko at inirapan niya lang ako.

Maya-maya ay nag vibrate yung phone ko, pagtingin ko ay may unknown number ang nag-text at dali-dali ko naman itong binuksan.

" Hey, I'm at the gate! " ang nabasa ko sa text at bigla na lang akong kinilig at kinabahan. Si Blase ito.

Agad na akong lumabas ng gate at napangiti nung makita ko siya. Naka-sandal siya sa kotse niya, may dalang mga roses at besh abot langit yung kagwapuhan niya.

Nakasuot siya ng puting sapatos, black slacks, white shirt na may kasamang suit jacket na bumagay naman sa kanya at sa outfit ko, at yung buhok niya naka sleek-back na ngayon ko lang nakita dahil palagi itong naka-kpop style na mas nagpagwapo sa kanya.

"Blase!" pagkuha ko ng atensyon niya at agad siya binigyan ng yakap nung makalapit ako sa kanya.

"Hmmm...smells good" aniya, oh diva naakit talaga.

"Para shaken ba yayn?!" pag-tukoy ko sa mga rosas.

"I wish but it's for your mom" sagot niya, wawex ang sweeett namaynn!!

"Pasok muna tayo sa bahay gusto kong formal kang ipakilala sa kanila" aniko, yung last punta niya kasi wala na sina papa at Delya nandun na sa kanya-kanyang patutunguhan at si mama naman ay nasa banyo nun kaya di niya talaga nakilala si Blase maliban nung pinaalis niya ito.

Nahuli ko naman siyang nakatitig sakin at bumuntong hininga at parang nanginginig. "Kinakabahan ka?!" tanong ko.

"Hooh! I know your family is warm and welcoming but they're your family, I'm nervous" pag-amin niya.

OA neto, akala mo namang manliligaw eh mag-dadate lang naman kami at tsaka gusto kong malaman siya ng pamilya ko.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at tinignan siya ng maayos. "Blase, chill. Hindi mo ako nabuntis. Mabait sila promise, di sila nangangagat!" pagpapakalma ko sa kanya.

Suminghop pa siya ng malalim na hininga bago nag-salita. "Okay, I can do it!" aniya bago ko siya hinatak sa loob.

"Ehem...mom, dad, sissy may visitor tayo!" pagbibiro kong tugon dahil alam kong tensed pa rin si Blase.

Bigla namang napatayo silang tatlo kasi di sila aware na nandito na pala kami sa loob.

"Hi-hi po!" nanginginig na tugon ni Blase. Nagulat pa ako kasi nag 'po' siya.

"A-ang pogi nito ah?! At mukhang mapapasabak ako sa Ingles" ani papa sabay pause nung tv. "Nakakaintindi po siya ng tagalog" aniko, ngumiti naman si Blase bago ibinigay kay mama ang mga rosas.
.
.
.
.
.

Please Vote—

Blase is my sweetener. 🥴

I Love You Since 1897 [BOYXBOY] ✅COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon