Chapter 10 [4/12]

211 15 0
                                    

"Ahhh pangit na nga, lampa pa!" dagdag pa nung bata at agad nila akong pinagtatawanan.

"Aahhh pangit!!" — "lampa!"

"Pangittt!!!" — "Laaammpa!!"

"Hahaha pangitttt!!" — "Lampaa!!"

Yan yung mga sinabi nilang tatlo. Iiyak na sana ako sa inis habang naka-dapa parin ng may biglang sumigaw.

"HOOOYY!! Anong ginagawa niyo sa kanya?!" sigaw nung batang lalaki na kumikimbot kanina na pinalibutan nung mga batang babae na nasa likuran na niya ngayon.

"Bakit aangal kang bakla ka?!!" sigaw nung batang lalaki na kumausap sakin kanina.

"Oyy, ang gwapo niyo pero ampangit ng ugali niyo tsaka ang babantot pa!!" aniya.

"Eeeeewwwww!!!" sigaw naman nung mga kasamahan niyang babae habang tinataboy taraw ang masamang hangin na hindi naman talaga nila naamoy.

"Gusto mong suntukin kita?!" sigaw naman nung batang lalaki.

"Oo bah!" ani nung gay na akala moy kalakihan eh mas payatot pa sa akin.

Nag-itim ang paningin nung tatlong lalaki at lalakad na sala sila patungo sa grupo nung beki ng bigla siyang sumigaw.

"ATTTAACKK GHURRRLLLLSSS!!!"

At tumakbo yung limang babae patungo sa tatlong lalaki at pinag-tulungan nila yung tatlo. Sinambunutan, sinipa, sinampal, sinuntok nila yung tatlo at di man naka-ganti ang mga ito dahil sa rami at lakas nilang parang kay Hulk.

Lumapit yung gay sakin at tinulungan akong tumayo. "Okay ka lang pogi?!" tanong niya habang pinapagpagan ko ang sarili ko.

Natahimik pa ako ng ilang segundo, it's my first time kasing sabihan ng pogi ng ibang tao except my parents kasi pag nakikita kasi ako ng ibang tao ay lait lang ang naririnig ko.

"Thanks!" aniko matapos linisin ang sarili at humarap ng maayos sa kanya, alam kong di gaanong klaro yung pagkasalita ko pero alam kong naiintindihan niya iyon.

"Ako pala si Xerville Weng Tiempo, Weng for short. Sabihin mo lang pag-aawayin ka nila ulit at ipapabugbug ko sila sa GhurlGroup ko" aniya at ngumiti sakin na nagpa-iba ng kibo ng puso ko.

"Tapos na Boss!" ani nung isang babae at nakita naming kumalipas na ng takbo yung tatlo. Wow, pano kaya nila ginawa yun?!

"Yey! GHURLGROUP POREBBEERR!!" sabay pa nilang anim at nag group hug. Napa-ngisi na lang ako sa kanila.

"Nyll??" natigilan sila ng marinig ko ang boses ni mama sa may gate, di kalayuan sa kinatatayuan namin.

Lumapit naman sakin si mama na may pag-alala sa mukha niya.

"Anong nangyari, ba't umiiyak yung tatlong boys na tumatakbo kanina?!" tanong niya.

"They bullied me ma and these ghurlgroup helped me!" sagot ko at bigla namang chineck ni mama yung ulo ko, nang mapag-tanto niyang maayos lang ako ay napag-buntong hininga siya.

"Hays, thank God maayos ka lang!" aniya at humarap sa ghurlgroup.

"Hmm...well because of that, gusto niyo ba ng meryenda?!" tanong ni mama sa kanila at naghiyawan sila sa tuwa sabay talon pa.

At dun nag-simula ang friendship namin ni Weng.

"Bago po kayo dito tita?!" tanong ni Weng habang ini-enjoy nila ang bread na may jam na gawa ni mama at iniinom yung juice.
.
.
.
.
.

—Please Vote—

Napaka-strong naman pala talaga ni Weng. Hahaha!

I Love You Since 1897 [BOYXBOY] ✅COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon