Chapter 9 [1/7]

230 17 0
                                    

Weng Tiempo POV

June 09, 2022. Thursday

6:00 AM NA. Nagising na ako, naging intense ang karanasan ko bilang Kathrina, ang daming work-work-work.

Sa pagdilat ko, mukha agad ng isang natutulog na anghel ang nakikita ko. Ilang inches lang ang layo ng mga mukha namin. Napaka-amo niyang tingnan at tsaka yung labi niya ang sarap-teka nagkahalikan ba kami kagabi?!

Napahawak ako sa labi ko habang naka-higa parin at naka-harap sa kanya. Yung tanong niya sa akin kagabi, totoo ba yun? Gusto niya akong ligawan? Ako?!

"Aayyyyyyyyiiiieeeeeuuttttt!!!!" napasigaw ako sa tuwa at kilig, natigilan kang ako ng maramdamang gumalaw si Blase.

"Hmm..." imik niya kaya mabilis kong tinakpan ang bibig ko.

Napa-sandal ako sa headboard ng kama at tinutukan lang siya. Maya-maya ay napansin kong tamlay ang kulay ni Blase at ang putla-putla niya.

Dahan-dahan kong hinawakan ang noo niya at nagulat ng sobrang init nito.

Agad akong napa-bangon at ang unang pumasok sa ulo ko ay lutuan siya ng law-oy soup na natutunan ko pa kay mama.

Tinawagan ko muna si mama para mag-paalam baka kasi hindi ako agad maka-balik sa bahay at hindi muna maka-pasok.

"Hello, ang aga mo ghurl!" singhal agad ni mama sa kabilang linya.

"Ma, baka hindi muna ako makabalik at makapasok sa school ngayon sasamahan ko muna si Cassie charot. Nilagnat po kasi yung classmate ko at wala siyang kasama dito!" aniko.

"Weeee?! Balita ko crush mo yan baka nilaplap mo?!" aniya.

"Eehhh, mama naman!" I'm pissed, char!

"Ang OA mo, oo na. Tawagan mo rin si Nyll para hindi na siya pumunta dito." ani mama.

"Opo, thanks, labyuu!" at hinung-up ko na at dinial ang number ni kigs.

"Hello?" aniya sa kabilang linya.

"Ummm... Kigs, huwag mo na akong sunduin sa bahay at kunin mo nalang ang output dito sa bahay ni Blase" aniko

"At bakit?!" tanong niya na medyo mataas ang boses.

"Nilalagnat kasi siya at walang tao dito maliban sa kanya. Walang tutulong sa kanya" sagot ko.

"Bakit siya nilagnat, ano ba yung ginawa niyo kagabi?!"

Napatahimik ako ng segundo at di alam ang isasagot. Si naman siguro nakaka-lagnat ang halik?! Char.

"Nag research, ano pa ba?! Basta pumunta ka na lang dito at ikaw nalang muna ang mag-submit nung output at tsaka paki-sabi nalang sa mga teachers na absent ako" aniko.

"Fine, basta don't do anything to him. And most importantly, don't let him do anything to you-"

"Oo na nga, sige byee labyuu!" aniko at hinung-up na ang tawag.

Napunta ang atensyon ko sa pinamili ni Blase kagabi. Pumunta ako sa table kung saan nakalagay ito at nagulat akong may Kool-fever na naka-lagay sa gilid nito.

Ano to?! So expected niyang malagnat?!

Kinuha ko lang ito at binalewala ying nasa isip ko at agad itong nilagay sa noo niya. Mahimbing parin siyang natutulog.
.
.
.
.
.

-Please Vote-

It's payback time na Weng, nilagnat siguro sa pagkabayo sayo kagabi. Hmp!

I Love You Since 1897 [BOYXBOY] ✅COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon