Chapter 17 [10/10]

151 12 0
                                    

"Ibig sabihin alam mo na ang lahat?!" napatawa na lang si Ginoong Greg.

"Sinabi sakin ng Binibini ang lahat at pinabasa niya sa akin iyang talaarawan niya noong may nagtangkang uli sa buhay niya ilang minuto nung pinakita sa kaniya ang toga..." paliwanag ng Ginoo.

Paano nangyaring hindi nila napansin na gumagambala pala sa kanila si Ginoong Alejandro the whole time?!

"...naging malungkot ako dahil hindi ako mapapasayo kasi napagtanto kong nasa hinaharap ka pala kaya naging maginaw ako sayo kasi nga naguumpisa na akong mag mob-on sayo..." napatawa nalang si Weng sa kaniya, isa kasi ang salitang move-on na itinuro niya sa Ginoo.

"...sa kabila ng pag mob-on ay natutunan kong mahalin ang totoong Kathrina lalo na't alam kong mahal din niya ako. At ikaw na may'ng mahal na iba, gusto kong piliin mo ang taong sinisigaw ng puso mo at kung may masasaktan ka ay huwag kang matakot na sabihin ang totoo! " agad na yinakap ni Weng si Ginoong Gregorio bago tinignan ang litrato at di makapaniwala sa nakita nito.

"Oh my goodness! Imposible!" aniya.

"Siguro hindi na magkakaproblema ang hinaharap dahil sisiguraduhin ko na makakasal ako sa Binibini at magkakaroon ng maraming anak at gagawin ang kapayapaan na gusto mo..." dagdag pa ng Ginoo.

Tumulo ang luha ni Weng at walang imik na napatitig sa litraro ni Nyll.

"Ibig sabihin, Stanton si Nyll?!" napangiti si Ginoong Gregorio at yumango.

"Binibining Weng! May gustong magpakuta sa iyo!" biglang singit ni Larah at halata sa mukha niya ang excitement.

"Huh?! Sino?!" aniya.

"Basta! Lumabas ka nalang!!" sambit ni Larah. Agad naman niyang isinuot ang necklace, inilagay ang litrato sa notebook, bago hinatak si Ginoong Gregorio palabas.

Agad na nilagyan ni Larah ng piring si Weng at giniyahan naman siya ng Ginoo hanggang makalabas sila patungo sa garden na paborito nila.

Pagpunta nila run ay tinanggal na ni Larah ang piring at nagulat si Weng sa nakitang mga taong nasa harap niya at ang lapad ng mga ngiti nito.

"Anong meron?!" pagtatanong niya kay Larah pero di siya sinagot neto.

Agad na nagbigay daan ang mga tao at bumungyad sa di kalayuan ang isang magandang ginto na statue ni Binibining Kathrina at alam niyang ito yung statue na nasa Estanton Library-Museum.

Napahawak na lang siya sa bibig dahil sa pagkamangha. Ito pala yung bagong gawa na statue, mas maganda pa talaga ito mas kumikinang pa.

"Dahil ito yung dahilan kung bakit ka napunta dito, siguro ito yung paraan para makabalik ka kaya pinagawan ka namin" ani Doña na sumulpot galing saan.

Napaiyak sa tuwa si Weng at binigyan  niya ng group hug sina Don, Doña, Larah, Sarah at Ginoong Greg. Nagpalakpakan naman ang mga tao.

"Mamimiss ka namin!" tugon ni Larah na ikinatuwa ni Weng, tinuruan din kasi niya ito ng ilang bagay at salita sa future..

"Hindi kita malilimutan!" ani Sarah.

"Maraming salamat Weng!" ani Doña.

"Sana'y makabalik ka na sa panahon mo!" ani Don.

"Mahal na mahal kita!" ani Ginoong Greg.

Lubos ang kasiyahan ang nararamdaman ni Weng at yung lahat na nangyari ay worth it kasi sama-sama nila itong hinarap at nalagpasan.

"Maraming salamat sa inyo, I love you all at hindi ko kayo makakalimutan!" ani Weng bago sila kumawala sa isa't-isa.

"Sino po ba ang gumawa?! Biglang tanong ni Weng at napangiti ang Don.

" Basta kilala mo siya! " ani Don. Ngumiti na lang si Weng bago lumapit sa Statue at pinikit ang mga mata.

"Sana maging maayos na ang lahat!" dumilat siya at sa pagdilat niyang iyon ay nakita niya ang beke na gumawa nung gown niya sa kalayuan at kinindatan siya.

Sisigaw na sana siya para tawagin ito ng biglang itong naglaho ng parang bola at sabay nun ang sinag na nagpapikit sa kaniya at para bang nararamdaman niyang kinukuha nung statue ang kaluluwa niya at sa muling pagdilat niya...
.
.
.
.
.

Please Vote—

I hope nasiyahan kayo sa twist.

I Love You Since 1897 [BOYXBOY] ✅COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon