Chapter 6 [6/8]

274 16 0
                                    

Weng Tiempo POV

June 08, 2022. Wednesday
(Continuation)

NANDITO ULIT KAMI sa Library-Museum. Pinag-isa ulit ang mga Grade 11 dahil nga sa specialized subject namin nga Historio de Estanton.

"So everyone, I want you all to work for your research paper. I believe you have your own group at kailangang may maipasa kayong output bukas to prove that you are doing something." ani Miss Solar pagka-tapos ng discussion niya.

"Ayyshh!" napatingin ako kay kigs na nasa kaliwa ko at nakitang umuusok yung tenga niya.

"Bakit? Anyari?! May 🎵Oops I got, 99 problems ka?!" tanong ko sa kanya na sinamahan ko ng tono sa 2002 ni Anne-Marie.

"Hindi ako pwedeng maka-gawa ng research mamaya, birthday kasi ni Lola bukas at dun kami magpapalipas ng gabi para i-celebrate ang birthday niya!" aniya na parang naiinis.

Baliw ba siya?! Ba't siya naiinis?!

"Kaya ko naman, at alam mo namang may experience ako sa panahong 1897—" may sasabihin pa sana ako ng umipal siya.

"Groupwork to, hindi individual work. Ayokong sosolohin mo lang ang trabaho."

"Ba't parang gali ka?! Ba't parang kasalanan ko pa?!" aniko na parang nasasaktan habang hinahawakan ang dibdib.

At tsaka hindi ko naman sosolohin ang research paper at nandiyan naman si Blase. " dagdag ko pa.

" Huwag mong sabihing mag-oovernight ka sa bahay ni—"

"It's fine!" naputol ang sasabihin ni kigs ng biglang sumulpot si Blase. Ugghh! My heart! Nagulat pa nga kami sa biglang pagpapakita niya.

"Besides, my mom's a Stanton and I'm sure she have references." walang emosyon niyang salita pero ang cool niyang tingnan.

"Edi perfect!" sigaw ko pa sa excitement. Oh my G, oh my G!!

Narinig kong nag-scoff si kigs kaya napatingin ako sa kanya. "Kigs, huwag ka ng mamroblema okay? At kung nag-aalala ka, huwag ka ng mag-alala. Kaya namin toh, at kung gusto mo ihatid mo pa ako sa bahay nila pagka-tapos nating umuwi" aniko.

"Sus, hindi ka pa nga pinapayagan ni tita. Eh cru—" agad kong tinakpan ang bibig niya bago paman niya matapos ang sasabihin niya.

"Sige, Blase. Hihi!" sabi ko kay Blase, yumango naman ito bago umalis. Sakto namang nag-ring na yung bell at ibig sabihin ay recess na.

PAGKA-TAPOS NG BUONG KLASE ay pumunta na agad ako sa parking lot. Oh my G, di parin akong maka-paniwalang ihahatid kami ni Dannielle Blase Stanton sa mga bahay namin at ito pa, mag-oovernight ako sa kanila. Yiiiiieeeeee!!!!!! Hahaha, siguro maghahanda ako ng proteksyon charot! Agad kong tinextsan si kigs na nandito na ako sa parking lot. Hindi ko rin nakikita yung sasakyan ni Blase at siya kaya hintay-hintay muna tayo mga bess!
.
.
.
.
.

Please Vote—

OH MY G!!!!! GET READY FOR THE KILIIIIIIIIIIGGGG!!! ❤️ ❤️

I Love You Since 1897 [BOYXBOY] ✅COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon