Chapter 13 [9/20]

148 10 1
                                    

"Nabasa ko to sa diary—este sa talaarawan ng Binibini na mamatay siya sa araw pagka-tapos ng kasal niya. Kung hindi ito mapipigilan ay mapapahamak at magkaka-gulo ang hinaharap. Kaya humihingi ako sa tulong mo para baguhin ang nakatadhana sa buhay ng niya." Mas nadagdagan ang gulo sa aking isip.

" Kung hindi ikaw si Binibining Kathrina, sino ka? " naguguluhan kong tanong.

"Ako si Weng Tiempo, 17. Philippines! Galing ako sa taong 2022 at isa akong beke!" di ko siya maintindihan. Kumukunot na ang aking noo dahil sa pagka-lito.

"Be-beke?!" anong pinagsasabi niya?

"Oo, yung lalaking pinanganak pero babae ang puso ganern!" Kahit mahirap paniwalaan ay kailangan ko itong harapin.

"Ahh, ibig sabihin binabae ka?!" aniko pero nalilito parin ako.

"Oo, tumpak! Ganern-ganern!" aniya na may tono.

"Pero bakit ka napunta sa katawan ng Binibini? Isa itong mysteryo!" Di ko maiwasang mag-tanong para malinawagan ang aking isip at pinaliwanag naman niya sakin lahat ang puno't dulo nito.

"Nangyari ang lahat ng ito dahil hindi ka nakontento sa kung anong buhay mo ang meron ka?!" aniko pero di parin sapat ang karanasan niya para masagot ang tanong ko.

Pero sa kahit ganun ay tapos na akong nanumpa sa sarili na nandiyan ako para sa kanya sa kahiy kabaliwan pa nito kaya wala ng urungan to at baka kung magtagumpay siya sa misyon niya at babalik ang Binibini at baka mahalin niya ako.

"Kung sa ganun, para sayo at sa buhay ng Binibini. Paano kita matutulongan?" aniko.

Sinabi ni Weng ang buong plano bago pa ang kasal ng Binibining Kathrina at ng Ginoong Alejandro. Masakit man isipin ang kahahantongan ay kailangan ko siyang turuan ng arnis para bumalik na siya sa dati.

Ewan ko ba kahit kakaiba ang taong nasa harap ko, alam kong makikipagtiwalaan ko siya. Sana nga ay magtagumapay siya sa kaniyang plano at tutulungan ko naman siya na may galak sa aking puso.

Pero kung galing nga siya sa hinaharap, ibig sabihin may alam siyang mga bagay na hindi ko pa alam? Namuo ang kuryosidad sa aking isip at walang anu-ano'y humingi ako ng pabor sa kanya na magalak naman niyang tinanggap.

Sa gitna ng aming pag-uusap ay napatahimik nalang kami ng biglang magsalita ang Mayordoma sa labas.

"Binibining Kathrina? Sino ang kasama mo?!" agad akong kinabahan, di ko alam ang gagawin. Ito ang unang pangyayaring di ko mapamahal ang aking sarili at ang aking pagkatatag ay nawala.

"Lagot Bini—este Weng!" kabadong tugon ko at mabilis na napatayo.

"Magtago ka sa ilalim ng bed este kama!" agad kong ginawa ang utos ni Weng. Tumama pa nga yung ulo ko sa kama dahil sa pagka-taranta. "Ahww!"

"Lo siento mi Dios, lo siento mi dios, lo siento, lo siento" I'm sorry, lord. ani ko sa ilalim ng kama habang nakapikit ang aking mga mata.

Nang marinig ng aking mga tenga na sumirado na yung pinto ay agad na akong tumayo at inayos ang sarili.

"Pasensya na Weng." aniko ng humarap siya sa akin.
.
.
.
.
.

Please Vote—

I Love You Since 1897 [BOYXBOY] ✅COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon