Chapter 15 [10/11]

138 10 0
                                    

Weng Tiempo POV

NAGMADALI AKONG umalis ng bahay. Plano ko kasing surpresahin si Blase sa university.

"Oh, ba't ang aga?!" bungad ni mama nung makababa ako galing sa kwarto.

"Blase ma, sabihin mo na lang kay kigs na umuna na ako sa univ. at dun na ako kakain sa cafeteria" di na pumalag si mama at pumayag nalang bago ako lumabas sa bahay.

Sumakay na ako sa isang jeep at ilang minuto rin ang dumaan bago ako makadating sa university.

Napagdesisyonan ko kagabi na dapat kong iwaksi ang lahat. Dapat kong iwasto ang nararamdaman ko kay kigs para hindi nito madamay ang pagmamahal ko kay Blase. At dapat sabihin ko na sa kanya ang totoo para hindi na ako maguluhan.

Gulong-gulo na kasi ako. Mali kasing unti-unti kong nagugustuhan si kigs. Nandiyan na kasi si Blase at ayokong masaktan siya. Kung masasaktan ko man at magagalit man sa akin si kigs ay tatanggapin ko ito ng buong puso para mabigay ko ang pagmamahal na dapat kong ibigay bilang karelasyon ni Blase.

Gustong kong mahalin si Blase ng walang kahati, gusto ko siyang mahalin na hindi sinisekreto na mahal ko siya at kung pagkakaibigan namin ni kigs ang kapalit nito ay haharapin ko ito. Hindi ko kasi deserve ang taong tulad niya, hindi ko deserve ang loyalty at friendahip niya kasi wala akong kwentang kaibigan.

Excited kong tinungo ang daan papuntang classroom ni Blase. Kahit medyo nagaalinlangan ay kailangan kong maging matatag para mahalin siya.

Ngunit nawala ang ngiti saking mga labi ng makitang may kahalikan siyang babae. Nakapikit pa siya na para bang sarap na sarap sa kahalikan nito.

Pinili ko na nga siya at inilagay ang pagkakaibigan namin ni Nyll sa alanganin pero bakit nasaktan parin ako?!

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, alam kong nagpapatakan na ang mga luha saking mga mata. Humugot ako ng lakas para sambitun ang pangalan niya kahit hindi ko na maramdaman ang puso ko dahil sa sakit.

"Bla-blase?!"

Kahit pala pipiliin mo ang tama ay masasaktan ka parin.

"Weng, let me explain!" aniya at pumutak na naman ang luha ko.

Di ko na siya inantay para makalapit sakin at kinuha ko na ang pagkakataong tumakbo paalis sa mainit na apoy na sumusunog sakin, tumakbo paalis sa kanya.

Tumatakbo ako dahil hindi sa nakita ko, tumatakbo ako dahil deserve kong masaktan. Ito siguro yung karma sa lahat na ginawa ko at kung mananatili ako dun para kong hinahayaan ang karma na sampalin ako.

Hinatak ko ang daan kung saan hindi masyadong dinadaanan ng mga studyante. Nang makakita ako ng malaking puno, agad akong tumago dun at dun ko binuhos ang lahat ng hinanakit.

Humahagolhol ako sa iyak, hindi ko maintindihan ang lahat. Sino ba yung babaeng kahalikan niya? Hindi ko pa siya nakita, siya kaya yung babaeng sinasabi ni tita na unang mahal ni Blase? Yung babaeng dahilan kung bakit siya nandito? Mahal pa rin kaya siya ni Blase kaya ganun na lang yung paghahalikan nila?

Iba-iba na ang pumapasok sa isip ko at parang mababaliw na ako sa kakaisip ng biglang tumunog ang phone ko na nagpatama sa aking ulirat.
.
.
.
.
.

Please Vote—

I Love You Since 1897 [BOYXBOY] ✅COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon