Chapter 11 [4/8]

193 11 0
                                    

"Kay ganda talagang dilag, nakakainggit ahww!" aniya. Aww, sanaol maganda. Pinakitaan ko siya ng curtsy sa simpleng pagyuko sabay hawak sa magkabilang palda at binend ang tuhod na natutunan ko rin kahapon dahil nag-aral kami ng royal Etiquette bilang Estanton.

Pero di ko maiwasang maawa sa nakikita ko. Maraming pasa ang makikita sa balat ng mananahi, hindi ko alam kung bakit siya nagkatamo ng ganun pero isa lang ang dahilan na tumatakbo sa isip ko. Dahil bakla siya, siguro mas sikat sa panahong ito ang katagang basta bakla salot sa lipunan kaya labis ang pag-aala sa mukha ko na ikinangiti lang niya at sinenyasan akong maayos lang naman siya pero di ako sumang-ayon.

Pagkatapos lumabas ng mananahi ay agad namang pumasok si Larah na para bang hinahabol ng aso.

"Anyari sayo besh? Este Larah?!" tanong ko.

"Pinapapunta ka sa harden ng Doña sa palagay ko'y nandito ang iyong mapapangasawa! Awiieee!!" aniya na parang kinikilig.

Imbes sa kiligin ay na-alerto ako. Umuna na akong lumabas papunta sa harden at sinundan naman nila akong apat.

Naabutan namin ang Don at Doña na nakatayo sa harap ng balkonahe ko, nandito na kami sa favorite garden namin ni Ginoong Greg.

"Ama, ina!" nahihiya kong tugon ng makalapit sa kanila. Sininyasan pa ako ng Mayordoma na magbigay tungo sa kanila pero di ko siya gets.

"Mabuti't nandito kana hija. Nakatanggap kami ng sulat na bibisita ngayon si Ginoong Alejandro ang iyong mapapangasawa." ani Doña na siyang ikina-kaba ko, hindi ko pa kasi siya ready'ng harapin kaya kaya nabalot ako ng panginginig ngayon na para bang sasabak ako sa isang kompetasyon.

"Siguro ay natutunan mo naman ang mabutung asal na itinuro ni Madam Narcissa sayo kahapon diba?!" ani Don at yumungo naman ako bilang pagsang-ayon. Naalala ko tuloy yung first day ko dito na tumatakbo ako ng parang baliw mabuti't di ako nasabihang sinapian ng masamang espirito o baliw.

Maya-maya ay pumwesto na kami sa isang horizontal line una ang Don, tapos ang Doña at ako, sa kaliwa ko ay ang Mayordoma, tapos si Larah at si Sarah at si Ginoong Greg at hinintay na may respeto sa katawan ang taong ikakasal sakin este kay Binibining Kathrina.

"Isa siyang insulares anak, malapit na kamag-anak ni Gobernador Y Capitan General Camilo de Polarieja kaya gusto kong magustuhan mo siya para sa ating pamilya, para sa ama mo!" bulong ng Doña na nagpa-dagdag ng tense ko. Kaloka, close relative siya ng Presidente sa panahong ito kaya mas na nginginig na ako sa kinatatayuan ko. Hinawakan naman ng Mayordoma ang kaliwang kamay ko at nginitian ako kung saan nakatulong ito sa pagpa-kalma sakin.

Nakatingin parin ako kay Madam Narcissa ng bigla itong yumuko, natulala naman akong sumunod sa kanya at sa pag-tingala ko ay nakita ko na si Ginoong Alenjandro naka-side view sakin at nakaharap sa Don.
.
.
.
.
.

Please Vote—

Dear, future husband...

I Love You Since 1897 [BOYXBOY] ✅COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon