Chapter 11 [3/8]

198 9 0
                                    

Nagsimula akong mapunta dito noong February 01, 1897. Na-stuck ako sa panahon kung saan nilalaganap ang revolution na sinimulan ni Andres Bonifacio. So nandito ako after sa arrest at execution for treason, sedition, and conspiracy ni Dr. Jose Rizal noong December 30, 1896 at before sa execution ni Andres Bonifacio sa May 1897.

Hindi ko naman ito sinabi kay Ginoong Greg o sa lahat ng taong nandito kasi nandito ako sa misyon kung saan dapat kong proteksyonan ang buhay at katawan ng Binibinig Kathrina pagkatapos ng kasal niya at hindi ko na babaguhin ang history ng Pilipinas, let history unveil itself. Chour!

Kung nagtatanong kayo sa mga birthdays ng mga tauhan dito ay hindi ko rin alam, mga birthyears lang ang nalaman ko based on research nung gabing ginawa namin ni Blase ang output.

Si Don Anecito ay 1852, Doña Rosalinda 1854, Mayordoma o si Madam Narcissa 1853, Ginoong Greg 1874, kay Ginoong Alejandro naman ni hindi ko pa nakikita ay 1872, at kay Binibinig Kathrina ay 1877 at kasing edad niya sina Larah at Sarah.

Kung gusto niyong malaman ang edad nila sa panahong ito ay i-minus niyo lang ang birthyear nila sa 1897 at makukuha niyo ang edad nila.

February 05, 1897 na ngayon it means pagkatapos ng 3 days ay kasal na ni Binibinig Kathrina at Ginoong Alejandro sa February 08 at kailangan ko ng matama ang arnis at ang plano ko para maprotektahan ang Binibini at ang future ko—si Blase.

"Magaling ka na!" papuri ni Ginoong Greg, nandito kami sa secret garden at kakatapos lang namin mag-practice ng arnis.

"Siguro ready na ako o handa na!" aniko, natatalo ko na kasi siya at napapatumba ko pa siya  na siyang ikina-ngiti niya. Maayos na ang pakikitungo niya sakin ngayon. Pagkatapos nun ay bumalik naman agad kami sa hacienda.

"Binibini, san ka nanggaling?!" bubuksan na sana ni Ginoong Greg ang main door ng biglang nagsalita ang Mayordoma.

"Bakit po?!" tanong ko pabalik at lumapit silang dalawa ni Sarah samin na halatang napagod sa kakahanap sakin.

"Aba'y nandito ang pinakamahal at talentadong mananahi sa ating probinsya at ika'y susukatan para sa iyong toga para sa nalalapit mong kasal" sagot ng Mayordoma.

Huh?! Toga? sa amin kasi pang graduation yun, gragraduate ba ako?!

"Nagagalak ka ba Binibini?!" tanong ni Sarah at yumango naman ako. Iginiya na kaming tatlo ni Ginoong Greg papunta sa salas.

Naka-antay na pala ang mananahi sa salas at nung makapasok na ako ay wala na siyang sinayang na oras para sukatan na ako at halatang excited siya habang nagsusukat.

He even promise na gagawin niyang bongga ang toga o gown ko bago siya umalis.
.
.
.
.
.

Please Vote—

Nangangamoy ending. Hahaha

I Love You Since 1897 [BOYXBOY] ✅COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon