Chapter 6 [2/8]

302 16 0
                                    

"Pero mas may maganda pa dito" aniya. Napatingin ako sa kanya at nagulat ng maging pamilyar ang mga ngiti niya, lalo na nung mas lumawak pa ito parang nakita ko na yung mga ngiting yun somewhere. Hmm...

"Weng?!" ani Ginoong Greg na nagpa-balik sa ulirat ko.

"Ah, bakit?! Ah, anong ibig sabihin mong mas maganda pa sa harden na ito?!" aniko.

"Sumunod ka sa akin Weng, alam kong medyo malayo pero ginagarantiya kong matutuwa ka!" aniya at sumunod naman ako sa mga lakad niya.

Naglakad kami ng mga 10 minutes at ang napapansin ko lang habang naglalakad ay ang mga berdeng dahon at iba-ibang kulay ng mga bulaklak.

" Saklaw pa rin ba to ng mga Stanton?! "bigla kong tanong habang naka-sunod lang sa likod niya at di ako naka-tingin sa kanya. Abala ako sa mga magagandang tanawin.

" Opo, ayon sa aking nalaman ay makapangyarihan at maimpluwensiya ang pamilyang Estanton. At nalaman ko ring may koneksyon sila sa iba't-ibang sekta sa pilipinas mapa pamahalaan man o katutubo. Dahil siguro'y espanyol ang lahi nila. " sagot niya.

"Ganun? Pero bakit parang hindi sila sikat kung sa ganun?" di ko maiwasang mag-tanong, kuryos kasi.

"Hmmm...sabi ng ama ko, marami namang nakakakilala sa mga Estanton pero pinili nila ang mababang buhay para maiwasan ang agawan at gulo" sagot niya. Kaya pala.

Maya-maya ay di ko namalayang huminto na pala siya sa paglalakad at dahil dun nasubsub ko ang mukha ko sa likod niya. "Ah!" sigaw ko pa kahit hindi naman masakit pang-charot lang.

"Pasensya na Weng, ayos ka lang ba? Anong masakit sayo?! Patawad, patawad!" ani Ginoong Greg na may pag-aalala sa mukha. Lakalakalaka! Concern siya!

"Naku, okay pa ako sa alright!" sagot ko kahit alam kong di niya gets. Medyo na-touch ako sa gesture ng Ginoo, first time ko kasing maka-encounter ng ganun sa buhay ko. Yung emi-emi lang yung ginawa mo pero nag-alala na siya ng sobra. Ang sarap sa feelings besh.

Pero may kung ano na biglang pumitik sa noo ko at naalalang nasa katawan pala ako ng isang magandang dalagita, normal lang na maka-tanggap ako ng concerned citizen dahil sa ganda at impluwensiya ko. Ano kaya yung reaction ni Ginoong Greg kung makikita at malalaman niya ang totoong ako?

"Pasensya na talaga. Hmmm...nandito na tayo!" aniya na nagpa-balik sakin sa katotohanan.

Wala namang kakaiba dito kundi may mga puno lang pero nung tiningnan ko kung ano yung hinaharapan ng Ginoo ay nakita ko ang mga malalaking bato na natatabunan ng mga matatas na dahon at mga baliti o yung mga matataas na ugat. Para itong nasa Tangled kung saan pag isinalikway mo ang mga dahon at ugat ay may makikita kang lihim na lagusan patungo sa isang lugar. At di nga ako nagka-mali ng biglang ihiniwalay ni Ginoong Greg ang mga dahon at ugat sa bato at lumabas ang isang yungib na kasya ang tao.
.
.
.
.
.

-Please Vote-

Hmmm...parang may something fishy.

[I feel so sad thinking na pagka-tapos ng ILYS1897 ay magrerest na naman ako for a year bago maka-isip ng bagong story. Hays]

I Love You Since 1897 [BOYXBOY] ✅COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon