Chapter 6 [5/8]

274 17 0
                                    

Binuksan niya ang isa sa mga kaban at kinuha ang isang damit pang-lalaki at agad na binigay ito sa akin. "Dito tayo magsimulang mag-aral ng arnis pero kailangan mong mag-suot ng maayos." aniya. Sabagay, naka-Maria Clara dress ako ngayon at mahirap gumalaw pag-suot ko ang mga ito.

Agad akong pumunta sa pabilyon, malayo sa mga mata ni Ginoong Greg. Kahit gentleman siya may itlog parin siya at kailangan kong pangalagaan ang katawan ng Binibini.

Nang masigurong hindi na siya naka-tingin ay agad ko ng tinanggal ang dress at sinuot yung binigay niya. Mabuti't hindi maalikabok at sakto lang sa akin. Nagmukha tuloy akong musketeer sa suot ko.

🎵All for one, one for all!

Di niyo yan alam noh? Nood din kayo ng Barbie paminsan-minsan.

Pumunta ako pabalik sa kinatatayuan ni Ginoong Greg. Nang makalapit ako sa kanya ay agad niya akong binigyan ng isang espadang kahoy at may hawak din siyang ganito.

"Handa ka na?!" tanong niya at yumango naman ako.

Pumunta kami sa malawak na space. Tinuruan ako ni Ginoong Greg kung paano hawakan ang sandata, kung anong tamang posisyon ng aking katawan, at ang pag-depensa sa sarili. Medyo nahihirapan ako sa simula at palaging nauuwi sa damo pero bumabangon parin ako para maitama ito. Naawa mga ako sa magandang katawan ng Binibini pero para naman ito sa kanya ang ginagawa ko.

"Ahh!" sigaw ko nung bumagsak na naman ako sa lupa. "Isa pa!" yun lang ang sinasabi niya pag-natutumba ako. Kailangan ng disiplina ang isip at katawan ko kaya walang awa-awa pero nagulat na lang ako ng biglang inilahad ni Ginoong Greg ang palad niya sa akin at agad ko namang kinuha ito. Sa oras na nagtapat ang aming mga mata ay di ko maiwasang mamangha sa taong nasa harap ko. Alam kong pinipilit niyang maging strikto sa pag-iinsayo namin pero alam kong nag-aalala siya at puno ng lungkot ang mga mata niya na nagpa-gwapo pa sa kanya at di ko maiwasan na tumitig sa kanya. The most gentleman sa lahat ng gentlemen. Ughh, my heart...

"Siguro'y ipagpapatuloy na lang natin to bukas. Ayokong masugatan ang katawan ng Binibini lalo na't alagang-alaga ito" biglang salita ng Ginoo na nagpa-balik sa ulirat ko.

"Ah oo" sagot ko. Natapos naman kami ng matiwasay pero di ko pa gaano natama ang ilang mga steps at kailangan ko pang matuto.

Naka-balik naman kami sa hacienda ng walang pag-tataka sa amin.
.
.
.
.
.

Please Vote—

Ang hirap talaga siguro ng swordsmanship at wala akong alam dito at di ko to na-research hahahaha.

Basta, kayo na mag imagine. Lablots! ❤️

I Love You Since 1897 [BOYXBOY] ✅COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon