Sa pamamagitan ng cellphone ay nagkausap sina Devon at Rosario kung paano ang kanilang gagawing pagpapaalam sa mga magulang ni Rosario sa pagsama nito sa huling rehearsal ng dula ni Devon.Hindi naman nag-aksaya ng panahon ang dalawa sa kanilang plano kaya't sinimulan agad nila 'yun kinabukasan.
Nanibago ang mag-asawang Lucila at Fidel sa pagtambay ng kanilang anak sa may veranda ng hapon na 'yun. Inisip na lang nila na maaaring naiinip ito na nasa kanyang kwarto lang palagi.
"Anak, buti naman at naisipan mong lumabas? Maputla ka na kapipirmi duon sa itaas. Mas mainam kun ,sa umaga ka nand'yan para naarawan ka kahit sandali. Hindi ka naman iitim." hindi nakatiis si Mang Fidel kaya't binati nito ang anak na kasalukuyang nagdududutdut ng kanyang cellphone.
"Sige minsan Daddy, papanuorin 'ko kayo ni Mommy habang nagdidilig kayo ng mga halaman." sagot ni Rosario na nanatiling nakatuon ang mga mata sa cellphone.
Nang mga oras namang iyon ay nasa labas ng gate ni Devon at nagkakandahaba ang braso nito hawak ang cellphone na kunwari ay naghahanap ng signal. Naka-uniporme pa din ito galing sa eskwelahan. Hinihintay ni Rosario na mapansin ito ng kanyang ama.
"Lumapit ka pa ng kaunti sa gate." tinext agad ni Rosario si Devon na nabasa naman agad ng huli at siya ngang ginawa nito.
"Oh, ano ginagawa ni Devon du'n?" puna ni Mang Fidel nang makita ang binata sa labas ng kanilang malaking gate.
"Ay, wala sigurong signal sa kanila." patay-malisya namang sagot ni Rosario. "Buti dito sa 'tin malakas ang signal." dugtong pa nito.
"Teka nga, puntahan ko lang. Baka importante 'yung kailangan nitong batang 'to." tumayo agad si Mang Fidel at nilapitan si Devon.
Nangiti ng lihim si Rosario. Nagtagumpay sila sa plano nila ni Devon. Natanawan na lamang niya na pinapapasok na ito ng kanyang ama sa kanilang bakuran. Sa sulok ng mga mata niya ay nakita niyang papalapit na ang dalawa sa kanyang kinauupuan.
"Upo ka Devon." wika ni Mang Fidel pagsapit nila sa upuan sa veranda. "Rosario, ibigay mo nga kay Devon 'yung password ng wifi natin at kailangan niyang i-check kung kailan daw 'yung final practice nila ng play nila. Kilala mo naman si Devon 'di ba?" baling ni Mang Fidel sa anak.
"Devon, anak ko nga pala si Rosario." pakilala ni Mang Fidel sa anak.
"H-hi Rosario." bati naman ni Devon na kunwari ay nuon lang sila nagkausap. "Mang Fidel, baka nga po pala gusto n'yong manuod ng play namin. May lima po akong libreng tiket. Eh si nanay lang naman ang manunuod sa 'kin. Baka gusto n'yo pong manuod. Romeo and Juliet po, ako ang gaganap na Romeo." turan ni Devon. Siya namang paglabas ni Lucila.
"Romeo and Juliet ba kamo? Aba, Rosario 'di ba 'yan 'yung kwentong binabasa mo nu'ng isang umaga? Gusto mo bang manuod? Libre naman daw sabi ni Devon." aniya.
"Eh okay lang po ba sa inyo? Gusto ko po talaga 'yung kwento na 'yun, isa pa para naman mapasyal naman ako." kunwari ay matabang ang sagot ni Rosario pero ang totoo ay tuwang-tuwa siya.
"Ikaw nga tinatanong namin." anang Lucila. "Eh kailan ba 'yan Devon?" baling nito sa binata.
"Itong weekend na po. Final praktis nga daw po namin bukas. Eto po oh, kababasa ko lang. Malakas pala signal dito sa inyo." saad naman ni Devon na kunwari ay may nabasa sa cellphone niya.
"Naiinip ka ba dito Rosario? Gusto mo sumama ka bukas, panuorin mo, final rehearsal namin, naka-costume na din kami nu'n. Sasabihin ko sa direktor namin na kaibigan kita." dugtong pa ni Devon.
"Hmm, gusto ko sana. Eh ewan ko lang kung papayagan ako nila mommy at daddy." nilungkutan pa ni Rosario ang boses niya.
Nagkatinginan naman ang mag-asawang Lucila at Fidel.
BINABASA MO ANG
When A Manananggal Fell In Love
ChickLitKabilang si Rosario sa mga kakaibang nilalang na kinatatakutan ng mga tao. Siya at ang kanyang pamilya ay nahahati ang katawan, may pakpak, na kung tawagin ay manananggal. Subalit paano kung magmahal siya ng isang normal na tao? Pagbibigyan kaya s...