Chapter 26

268 21 3
                                    


Dahil sa ginawang madalas na pag-eensayo ng paglalakad ni Rosario, tuluyan nang naging normal ang paglalakad nito. Nakakatulong na din ito sa mga gawaing bahay na dati'y hindi naman nito ginagawa.

"Baka naman nilalagnat ka Rosario?" bati ni Aling Lucila sa anak nang matanawan itong nagwawalis ng sahig.

"Si mommy naman eh. Malay mo bigla akong magka-asawa, tapos wala akong alam gawin sa bahay, baka hiwalayan ako agad ng mapapangasawa ko." tugon ni Rosario.

"Ayun, kalandian pala ang iniisip. Sabagay, sa ayaw at sa gusto namin eh darating tayo diyan. Pero hoy, tapusin mo muna pag-aaral mo ha." saad ni Aling Lucila na nagpupunas ng mga antigong gamit sa sala.

"Kapag magluluto ka na 'nay tawagin mo 'ko ha, manunuod ako. Baka sakaling matutunan ko din pagluluto."

"Kayang-kaya mo 'yun, madali lang namang magluto. Basta nasa puso mo 'yung ginagawa mo, magiging masarap 'yung niluluto mo."

"Si Nora Daza naman." panunudyo ni Rosario.

"Excuse me si Jang Geum ang idol ko." maagap na sabi ni Aling Lucila.

"Sino 'yun mommy?" napahinto bigla si Rosario.

"Sa tv 'yun, pinapanuod namin dati ng daddy mo. Napakagandang istorya." ani Aling Lucila. "Maiba ako anak, kamusta ba kayo ni Jansen?"

Itinuloy ni Rosario ang pagwawalis bago ito sumagot. "Mommy naman, ikaw na nga nagsabi na tapusin ko muna pag-aaral ko 'di ba. Saka mommy, alam mo naman nuon pa na hindi ko type si Jansen."

"Eh sino type mo, si Devon?"

"Magkaibigan lang kami ni Devon mommy. Ay, speaking of Devon, magpapasama nga pala 'ko magsimba bukas kay Devon saka gusto kong bumili ng bagong tsinelas."

"Eh 'di ba, pupunta bukas si Jansen? Bakit hindi ka na lang kay Jansen magpasama, may kotse pa kayo?"

"Mommy, hindi naman nagsisimba 'yun. Saka hindi naman taga-rito si Jansen, mas kabisado ni Devon 'yung palengke dito."

"Eh pa'no nga kapag dumating si Jansen?"

"Bumalik na lang kamo siya next week. O kaya, next next week. Ikaw na magdahilan monmy."

"Naku Rosario, hindi ako magsasawa kapapaalala sa 'yo ha, alam mo lahi natin at ang mga kauri na bagay sa 'tin. 'Wag kang lalampas sa limitasyon mo. Alam mo ibig kong sabihin." ani Aling Lucila. "Sumunod ka na sa kusina pagkatapos mo diyan, maghahanda na 'ko ng pananghalian natin." dugtong pa nito bago tuluyang lisanin ang sala.

Batid ni Rosario na kahit sabihin niya sa mga magulang na magkaibigan lang sila ni Devon ay hindi ito maniniwala. Kailangan pa nila ng kaunting panahon upang ipagtapat sa mga ito ang kanilang pagmamahalan, bukod pa doon ay sasabihin na din nila na alam na ni Devon ang tungkol sa pagkatao nila, maging ang sinabi ni Manang Gala na kamakailan lang nila nalaman.

Kinabukasan ay hindi magkandatuto si Rosario sa pagpili ng kanyang isusuot para sa lakad nito. Sa tagal niyang hindi nakalabas, halos gusto niyang isuot lahat ng mga damit niyang matagal na hindi nagamit. Hanggang sa simpleng maong pantalon at puting blusa ang kanyang napili dahil naalala niyang dadaan pa sila ng simbahan bago bumili ng kanyang gamit.

"Mommy, daddy, aalis muna po ako." paalam ni Rosario.

"Oh akala ko kasama mo si Devon?" bati ni Mang Fidel.

"Dadaanan ko na lang siya Daddy, para naman makapasyal ako sa kanila. Saka para makita naman ni Aling Salome na nakakalakad na 'ko ng maayos." ani Rosario.

"Mommy, aalis na 'ko." ulit ni Rosario sa ina.

"Sige, mag-iingat kayo. Gagawin pa 'ko nitong sinungaling mamaya kay Jansen, hmp." ismid ni Aling Lucila. Napailing naman si Mang Fidel.

When A Manananggal Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon