Paikot-ikot ang ginawang paglipad ni Rosario habang pataas ng pataas ang kanilang paglipad ni Devon. Habang mahigpit na magkayakap ang dalawa ay awtomatikong naglapat ang kanilang mga labi.Pagdating sa medyo mataas na bahagi ng ere na hindi tinatamaan ng sinag ng buwan ay inihinto ni Rosario ang paglipad, animo nakatayo sila ni Devon sa himpapawid habang magkayakap na din.
"Ang saya-saya ko Devon. Kahit may mga kinakaharap pa tayong problema, malaking bagay sa 'kin ang sinabi ni Manang Gala." turan ni Rosario.p
"Mas masaya ako Rosario, kung maaari lang ako sumama sa inyo bukas para makita ko agad ang paglalakad mo ng walang saklay. 'Wag kang mag-alala, tutulungan kita sa weekend para mapraktis 'yung paa mo." saad naman ni Devon.
"I love you Devon."
"I love you too Rosario."
Muli na namang naglapat ang kanilang mga labi tanda ng kanilang wagas na pagmamahalan.
Kinabukasan ay maagang umalis ang pamilya ni Rosario upang lumuwas ng Maynila para tanggalin na ang semento sa binti nito. Si Devon naman ay muling binuo ang kanyang loob para sa plano nila ni Rosario kay Sally. Ang hindi alam ni Devon ay may plano ding nakahanda si Jansen.
"Babe, pwede bang 'wag ka muna umattend ng rehearsal n'yo mamaya?" sabi ni Jansen kay Sally nang magkita ang dalawa sa canteen upang sabay na kumain.
"Bakit naman Babe, hindi ko pa masyadong gamay 'yung paghaharness eh." tugon ni Sally.
"Mas pipilin mo pa ba 'yun kung kaya din naman kitang dalhin sa alapaap mamaya?" tinapunan pa ni Jansen ng mapang-akit na ngiti si Sally.
"Babe naman ih. Hindi ba pwedeng next time?" si Sally.
"Sige 'wag na lang kahit kailan. Okay lang, du'n ka na lang sa play n'yo. Siguro gustong-gusto mo lang nakikita 'yung Devon na 'yun kaya ayaw mong umabsent kahit isang araw lang." nagkunwari pang nagtatampo si Jansen.
Mabilis naman ang pagbabago ng desisyon ni Sally. "'Wag ka na magtampo Babe. Sige, aabsent na 'ko."
"Hindi ka naman magsisisi, alam mo naman 'yun Babe 'di ba?" kinalabit pa ni Jansen ang baba ni Sally at muli itong ngumiti. "Eto Babe ang susi ng apartment ko, mauna ka na du'n ha. Tatapusin ko lang 'yung last subject ko. Maligo ka na din agad para ready ka na pagdating ko." sambit ni Jansen.
"Sige Babe." para namang kinikiliting tugon ni Sally.
Matapos ang klase ni Devon ay ay naglakad na ito patungo ng auditorium. Nang biglang may tumawag mula sa kanyang likuran.
"Devon, wait pasabay." si Sally na halos patakbo na ang ginagawang paglalakad upang maabutan si Devon.
Ang totoong Sally at nasa apartment na ni Jansen at ang Sally na sumabay kay Devon ay si Jansen nagpanggap na si Sally.
"Tara, wala ka yatang bantay ngayon? O mamaya pa?" bati agad ni Devon habang papalapit ang inaakala niyang si Sally.
"Wala, pinauwi ko na. Sabi ko eh 'wag na din niya 'ko sunduin." tugon nito.
"Mukhang gwardiyado ka yata ng boyfriend mo lately ah. Seryoso na ba talaga 'yan?" pabirong turan ni Devon.
"Eh kung hindi may magagawa ka ba?" hindi sinasadyang naisagot ni Jansen na nagpapanggap na si Sally.
"Huh? Ano kamo?" tanong ni Devon na bahagyang nabigla sa tinuran ni Sally.
"Ah, wala. Oo naman seryoso kami noh. At feel ko naman na seryoso din siya sa 'kin." bawi ni Sally.
"Sigurado ka ba na seryoso siya?" naging seryoso ang mukha at pananalita ni Devon.
Napaisip bigla si Jansen sa sinabi ni Devon. Naramdaman niya agad na may pinaplano ito kay Sally.
BINABASA MO ANG
When A Manananggal Fell In Love
ChickLitKabilang si Rosario sa mga kakaibang nilalang na kinatatakutan ng mga tao. Siya at ang kanyang pamilya ay nahahati ang katawan, may pakpak, na kung tawagin ay manananggal. Subalit paano kung magmahal siya ng isang normal na tao? Pagbibigyan kaya s...