Chapter 34

225 19 1
                                    


"Galingan mo bukas ha. Good luck." mensaheng natanggap ni Devon mula kay Rosario habang ginagawa nila ang huling pag-eensayo.

Masakit man sa kalooban ni Rosario, alam niyang ikakagaan ng kalooban at ikakasigla ni Devon ang mensaheng iyon. Naging mas ganado naman si Devon sa kanyang pag-arte. Hindi na din nito alintana ang ginagawang paglipad habang may nakakabit na harness.

"Alam mo napuna ko lang sa 'yo Devon, sa simula't simula nu'ng nag-harness tayo, hindi ka namin nakitaan ng pagkalula. Parang sanay na sanay ka sa paglipad." saad ni Sally habang nakapahinga sila sa pag-eensayo.

"Tama palang ikaw talaga ang kinuhang bida Devon, ikaw kasi pinakamaraming eksena na lumilipad." wika ng isa niyang kasama sa dula na gumaganap na si John na kapatid ni Wendy na ginagamapanan naman ni Sally.

"Ikaw din naman Sally ah, mukhang gamay na gamay mo na." ani Devon.

"Nakuha lang sa praktis. Naalala ko tuloy nu'ng bago-bago pa lang tayo nagsisimula nito, parang humihiwalay ang kaluluwa ko kapag pataas na ng pataas." tugon ni Sally.

"Ready na guys, resume na tayo in five minutes."  singit bigla ng direktor. "Lights, kapag aerial ang kuha, nakasunod lang lagi ang ilaw mo sa itaas para ang audience sa 'taas lahat nakatingin. Propsmen, samantalahin n'yong magpalit ng stage props habang madilim sa stage. Sounds, make sure na madala ang mga nanunuod na nasa himpapawid talaga ang pinapanuod nila. Maliit lang itong iikutin nila Peter Pan at nila Wendy, so kailangan ko ng coordination ng lights at ng sounds para magmukhang malayo ang nararating nila. Sa pagbaba nila, ibang setting na ng stage ang makikita, maliwanag ba?" malakas na turan ng direktor.

"Opo direk." sabay-sabay na sagot ng buong crew at ng mga magsisiganap.

"Okay let's start. Last na 'to ha. Para makapagpahinga tayo ng maaga lahat." wika pa ng direktor habang papalayo ito ng entablado at ang lahat naman ay nasa kanya-kanya nang pwesto.

Nagsimula ang pag-eensayo, halos iyon na ang aktwal na ipapalabas nila. Lahat ay seryoso sa bawat trabahong nakatalaga sa kanila. Naging atraksyon at agaw-pansin ang mga eksenang lumilipad si Devon bilang si Peter Pan, maging si Sally na gumaganap na Wendy at ang dalawa pang kasama nito na gumaganap na kapatid ni Wendy. Maging ang gumaganap na Tinkerbell ay mukha ding makatotohanan.

"Very good, very good." wika ng direktor na sinabayan ng pagpalakpak nang matapos ang dula. "Good luck lahat sa atin. So, sana ganuon ang gawin n'yong performance, if it's possible, mas maganda pa du'n."

"Okay, mag-ingat ang lahat sa pag-uwi, wala ng mag-uuwi ng kahit anong costumes at props at baka makalimutan n'yo pang dalhin bukas ha," pahabol pa ni direk.

Mabilis naman ang kilos ng lahat para makauwi na dahil sa madilim na. Nagkasabay naman sa paglalakad sina Sally at Devon.

"Good luck sa 'tin bukas." wika ni Devon.

"Oo nga, sana ma-perfect natin," nakangiting tugon ni Sally. "Nakaka-excite na nakaka-tense. Feeling ko ang daming audience bukas."

"Tiyak 'yun. Sold out daw ang tiket eh." ani Devon.

"Manunuod ba 'yang dyowa mo na dyowa din ng dating dyowa ko?" turan ni Sally na biglang napalitan ng galit ang mukha.

"Sally please, ako ang boyfriend ni Rosario, mali 'yung iniisip mo na inagaw niya sa 'yo si Jansen." seryosong paliwanag ni Devon.

"Ewan ko sa inyo. Pati ikaw kaya kang paikutin ni Rosario. Sa bibig na mismo niya nanggaling na pinapaiwasan niya sa 'kin si Jansen, 'yun pala eh gusto din niya 'to. Makikita mo, lalabas din ang totoo Devon."

Napakibit-balikat na lamang si Devon. Hanggang sa naghiwalay na sila ng paglalakad paglabas nila ng gate ng eskwelahan. Mabilis naman siyang nakasakay ng tricycle pauwi sa kanila.

When A Manananggal Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon