Chapter 38

234 21 6
                                    


"Tay, mahal ko po si Rosario. P-pero may lihim po silang iniingatan, at 'yung lihim po na 'yun ay isa sa mga dahilan kung bakit pilit kami pinaglalayo ng mga magulang niya," salaysay ni Devon.

"Anong lihim 'yun?" bahagyang nakakunot pa din ang noo ni Mang Satur.

Napatingin pa si Devon sa kanyang ina.

"Sabihin mo na." giit ni Aling Salome.

"Ano Devon?" ulit na tanong ni Mang Satur.

"Isa pong manananggal si Rosario, pati po ang pamilya niya." si Sally ang lakas-loob na sumagot. "Pero mabuti po silang manananggal. Aling Salome, totoo pong nalaglag kami ni Devon nu'ng play po namin. Buti na lang po at nasapo kami ni Rosario. At pasalamat na din at hindi nakita ng mga tao si Rosario dahil madilim ang buong auditorium."

Hindi nila kinakitaan nang pagkabigla si Mang Satur, sa halip ay nakatungo lamang ito na tila malalim ang iniisip.

"Sino naman si Jansen?" tanong nito.

"Siya po ang may kagagawan nang muntikan naming aksidente. Dati ko po siyang boyfriend pero niloko lang niya 'ko. Ayaw ko pang maniwala kay Rosario dati, pero dapat nga pala ay iniwasan ko na agad 'yung engkantong 'yun." saad ni Sally. Biglang napatingin dito si Mang Satur.

"Engkanto 'yung Jansen 'tay, marami siyang nalinlang para lumakas ang kanyang kapangyarihan. Matagal na pala siyang may gusto kay Rosario kaya't sinundan niya si Rosario hanggang dito. Pinagtangkaan pa niya ang buhay namin ni Sally," saad ni Devon.

"Kung hindi ako nagkakamali, ngayon ay naroon na sila sa Engkantuta para ipakilala si Rosario na mapapangasawa ni Jansen, tama ba 'ko anak?" singit ni Aling Salome.

"Alam mo ang lahat ng ito Salome?" baling na sabi dito ni Mang Satur.

"K-kailan lang ipinagtapat sa 'kin ng anak mo. I-ito talaga ang gusto niyang sabihin sa 'yo." pautal-utal na sagot ni Aling Salome.

"Oo 'nay, kaya nu'ng matapos ang play namin kinausap na 'ko ni Rosario, nagpaalam na siya sa 'kin. Pero alam kong malungkot siya. Hindi nakabuti 'nay na nalaman mo ang totoong pagkatao nila. Lalo pa 'yun naging mitsa para mapalayo si Rosario sa 'kin. Lilipat na daw sila ng bahay dahil sa takot na mabunyag ang lihim nila dito. Lalo ding lumaki ang dahilan para mangutang sila sa mga magulang ni Jansen, kung dati pang-negosyo lang, ngayon pati malilipatang bahay ay ipanghihiram na din nila, kaya nakuha ng sumuko ni Rosario." saad ni Devon.

"Mahal mo ba talaga anak si Rosario?" seryosong tanong ni Mang Satur. Tinitigan niyang mabuti ang mga mata ng anak upang sukatin ang  totoong nilalaman ng puso nito.

"Opo 'tay, mahal na mahal ko si Rosario. Siya na nga ang gusto kong mapangasawa pagdating ng tamang panahon. Hindi ko na nga alam kung paano ko pa itatago sa inyo 'yung nararamdaman ko, pero nahihirapan na din po ako 'tay. Alam kong mahal din ako ni Rosario at nahihirapan din siya ngayon. Pero kaya siya sumuko dahil wala na kaming magawa." napaluha si Devon sa mga huling kataga niya.

Humimas naman agad sa kanyang likod si Sally.

"Panahon na din siguro para malaman n'yo ang katotohanan." turan ni Mang Satur. Isa-isa nitong tiningnan ang mga kaharap.

Pinunasan naman agad ni Devon ang mga luha sa kanyang mga pisngi. "A-anong ibig mong sabihin 'tay?"

"Satur, may inililihim ka ba sa 'kin?" si Aling Salome.

"Alam 'kong nararamdaman ako ni Rosario pero hindi lang niya ako matukoy. Pero hindi gaya ng ibang katulad ko, halos wala na akong kapangyarihan. Isa din akong engkanto Salome, Devon." turan ni Satur.

Nanlaki ang mga mata ni Aling Salome, gayundin sina Sally at Devon. Hindi sila makapaniwala sa sinabi ng kanilang padre de pamilya.

"N-Niloko mo 'ko. B-Bakit mo sa 'kin nagawa ito? Ibinigay ko sa 'yo ang lahat, isinuko ko sa 'yo ang buong pagkatao ko pero nakuha mo pa din akong lokohin. Lumayas ka, kapag hindi ka lumayas ako ang aalis sa bahay na ito." saad ni Aling Salome.

When A Manananggal Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon