Chapter 10

327 24 5
                                    


Gabi na ng matapos ang pag-eensayo nina Devon. Paglabas nila ng auditorium ay halos wala na ding tao sa loob ng eskwelahan. Mangilan-ngilan na lang at pawang mga pauwi na din.

"Devon, sandali." sigaw ni Sally.

Sabay na huminto at napalingon si Devon at Rosario sa pinanggalingan ng boses.

"Bakit Sally?" tanong agad ni Devon habang papalapit ito.

"Okay na sana 'yung praktis natin eh. Nagsama ka pa ng pakialamera. Sige. Good luck na lang sa 'tin." tugon nito at sumulyap ng matalim kay Rosario. Paalis na ito nang sinadya nitong sinipa ang saklay ni Rosario. Nawalan ng panimbang si Rosario at bumagsak itong paupo sa sahig.

"Ay sorry, hindi ko sinasadya. Karma siguro 'yan." turan ni Sally at umirap pa ito nang ituloy ang paglalakad.

Napasunod lang ng tingin si Devon kay Sally. Nakita niyang sinadya iyon nito pero wala na siyang magagawa. Inalalayan naman niya agad si Rosario para makatayo.

"N-nasaktan ka ba?" agap na tanong ni Devon.

Imbes na sumagot si Rosario ay bigla itong nag-usal. "Ik ik ik, butchi kik ik ik ik butchi kik."

"R-rosario? Ano 'yung sinasabi mo?" kunot-noong tanong ni Devon habang itinatayo ito.

"Baka akala ng Sally na 'yan eh para 'kong cinderella na pwedeng apihin." may ngitngit sa tono ni Rosario.

Ilang sandali pa'y dalawang paniki ang nasa harapan ni Rosario. Muli itong nag-usal kaharap ang dalawang paniki. Pagkatapos nu'n ay mabilis din namang umalis ang mga ito.

"Rosario, baka mapahamak tayo. Ano 'yung ginawa mo?" nag-aalalang tanong ni Devon.

"Naghahanap lang ng kalaro 'yung dalawang 'yun." tugon ni Rosario na ang tinutukoy ay ang mga paniking tinawag nito.

Hindi pa sila nakakalabas ng gate nang maabutan nila si Sally na pagpag ng pagpag sa damit nito. Panay ang sigaw nito at tila may kinatatakutan.

"Sally ano nangyayari sa 'yo?" tanong agad ni Devon.

"Devon, tulungan mo 'ko. May dalawang paniking pumasok sa loob ng damit ko. Ayaw umalis. Eeehh. Nakakadiri. Tulungan mo 'ko." panay pa din ang tili ni Sally habang lundag ng lundag sa kinatatayuan nito.

"P-paano kita tutulungan?" nataranta namang bigla si Devon.

"Dukutin mo. Ayy. Ano ba 'to? Eeeeh. Alis..alis kayo diyan." patuloy ni Sally.

Tumawa ng malakas si Rosario pagkakita sa kinikilos ni Sally. "Ang bilis naman ng karma. Sino kaya nakarma sa 'tin ngayon?"

"Devoooon. Tulungan mo 'ko. Daliii." hindi na maipinta ang mukha ni Sally.

Kpaagdaka'y lumusot ang dalawang paniki sa damit nito bitbit ang bra ni Sally.

"Oh ayun lumabas na." saad ni Devon.

"Nanghiram lang pala ng facemask. Baka may corona virus dito. Tara na Devon." nagpawala pa ng malakas na tawa si Rosario bago nila iwan si Sally na hindi malaman kung paano itatago ang mga dibdib nitong bumakat pagkatanggal ng bra ng mga paniki.

Pagkasakay ng tricycle ay saka lamang naglakas-loob si Devon tanungin si Rosario.

"Ikaw ba may gawa nu'n?"

"May iba pa ba? Bakit ganyan ka makatingin? Devon, mabait naman ako. Kita mo naman ang ginawa sa 'kin nu'n. May gusto sa 'yo 'yun noh? Masyadong pinahalata pagseselos niya eh." tugon ni Rosario.

"Inaalala ko lang kasi baka maghinala sa 'yo si Sally." saad ni Devon.

"Devon 'wag ka ngang praning. Ikaw lang naman nakakaalam na ganito 'ko, pati kapangyarihan ko, paano naman niya malalaman?" mahinang sabi ni Rosario. Bahagya pa siyang sumilip sa driver ng tricycle. "Hindi na uso pa-martir ngayon Devon, buti nga 'yun lang ginawa ko sa kanya eh." dugtong pa niya.

When A Manananggal Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon