Chapter 12

310 22 7
                                    


Kumibo't dili si Rosario mula sa fastfood hanggang sa makauwi sila. Hindi nito pinahalata sa mga magulang ang kanyang pagseselos.

Hanggang kinabukasan ay sumisiksik sa isipan ni Rosario ang nakita niyang paghalik ni Devon kay Sally. Ilang beses ng nagtetext si Devon ay hindi niya ito sinasagot.

Kinahapunan ay nagpaalam si Devon sa kanyang ina na magpupunta siya kina Rosario. Ipinagtataka niya ng labis kung bakit hindi ito sumasagot sa mga text at tawag niya.

Ganu'ng oras kung mag-asikaso ng hardin ang mag-asawang Fidel at Lucila. Namataan siya agad ng mga ito nang siya ay nasa harapan na ng gate ng bahay.

"Oh Devon, congrats ulit ah. Tara, pasok ka." wika ni Aling Lucila.

"Salamat po. S-si Rosario po?" tugon ni Devon.

"Ah nasa itaas,sa kwarto niya. Tara pasok ka. Sabayan mong mag-kape si Fidel." sabay bukas na ng gate ni Aling Lucila.

Habang naghihintay si Devon sa veranda kaharap si Mang Fidel, inakyat naman ni Aling Lucila ang anak. Nagdahilan si Rosario na masama ang kanyang pakiramdam at hindi siya makakababa ng bahay.

Upang hindi mahalata na si Rosario lamang ang sadya niya, patuloy pa ding nakipagkwentuhan si Devon sa mag-asawa. Matapos mag-kape, ilang sandali lang ay nagpaalam na din si Devon.

"Oh ang bilis mo namang nakauwi? Bakit ganyan ang mukha mo?" ani Aling Salome kay Devon. Napuna niyang lulugo-lugo ito at tahimik.

"Eh masama daw pakiramdam ni Rosario 'nay. Kaya umuwi na lang din ako." tugon ni Devon.

"Masama pala pakiramdam eh bakit nagpunta ka pa du'n? Hindi mo na lang tinext." si Aling Salome.

"Yun nga 'nay eh. Hindi nga nagrereply sa 'kin. Kaya naisipan ko na ding puntahan."  ani Devon.

"Wag mo munang abalahin at baka napagod kagabi. Sige na, magluluto na 'ko't pauwi na ang tatay mo niyan."

Kinagabihan ay sinubukang muli ni Devon na itext o tawagan si Rosario pero hindi pa din ito sumagot. Panay ang sulyap niya sa bintana sa pag-asang dalawin siya nito o surpresahin. Naging palaisipan sa kanya ang bigla nitong hindi pagpansin sa kanya. Hanggang sa naisipan na niyang humiga. Habang nagmumuni-muni siya ay natanawan niyang may isang paniki na nakabitin sa kanyang bintana. Mabilis siyang bumangon at nilapitan ito. Hindi naman ito umalis at nanatiling nakabitin doon.

"Paniki, kilala mo ba si Rosario? Baka naman pwedeng makisuyo? Pakisabi naman nami-miss ko na siya." aniya sa paniki.

"Ik ik ik ik." tugon ng paniki.

Nakakatiyak si Devon na naiintindihan siya ng paniki.

"Hindi kita naiintidihan pero please naman oh." muling saad niya.

Umalis agad ang paniki. Lingid sa kanya, inutusan talaga ito ni Rosario na papuntahin sa kanya.

"Ano'ng namimiss? Bakit niya hinalikan si Sally? Chi dang bobochichang chini kong koy nong. ik ik ik." sagot ni Rosario sa paniki nang puntahan siya nito.

Muling bumalik ang paniki kay Devon. Sa pagkakataong 'yun ay may kasama pa itong isang paniki.

"Oh anong sabi ni Rosario?" agap na tanong ni  Devon pagkakita dito.

"Ik ik ik ik." sabi ng paniki.

"Naku, hindi ko nga pala maiintindihan 'to. Paano kaya?" sabi ni Devon sa sarili.

Nang muli niyang tanawin ang dalawang paniki ay nakita niyang humiga ang isang paniki sa pasimano ng bintana niya. Ang isa naman ay humarap dito at panay ang halik sa paniking nakahiga.

When A Manananggal Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon